Tuesday, January 30, 2007
DON'T STOP ME NOW
Tonight I'm gonna have myself a real good time. I feel alive and the world it's turning inside out - Yeah! I'm floating around in ecstasy; So don't stop me now don't stop me; 'Cause I'm having a good time having a good time.

Tonight, I'm going to do one thing I have never done in my life - to say goodbye to sleep and wave hello to my stupid books.

I'm a shooting star leaping through the skies; Like a tiger defying the laws of gravity. I'm a racing car passing by like Lady Godiva; I'm gonna go go go. There's no stopping me.

I shall be filling myself with caffeine with hopes of not falling asleep as I peer through each scornful page.

I'm burning through the skies - Yeah! Two hundred degrees; That's why they call me Mister Fahrenheit. I'm trav'ling at the speed of light. I wanna make a supersonic man of you.

I am doing this because I love myself and the fact that I am officially assigning the month og February as my boom month.

Don't stop me now. I'm having such a good time, I'm having a ball; don't stop me now. If you wanna have a good time just give me a call. Don't stop me now ('Cause I'm having a good time) Don't stop me now (Yes I'm having a good time) I don't want to stop at all.

Will I be enjoying this? I don't know. I just used the Queen song for the plain purpose of optimism.
Monday, January 29, 2007
RUMOR HAS IT
Watching SAG and hearing Glenn Close's name mentioned made me wonder where the hell she is. Despite being known for Oscar futility, she is still one hell of an actress and so as I looked her up on imdb, wanting to know her upcoming projects, I saw the ultimate bomb:

Sunset Boulevard (2008) (announced) (rumored) .... Norma Desmond



Based on Andrew Lloyd Webber's musical adaptation of the Billy Wilder 1950 classic, comes an upcoming musical to be released in 2008. I don't know if this is a smart move, go think of what happened to The Producers, but honestly it is quite interesting to hear about it. Casting Norma Desmond has yet to be finalized as rumored actresses pimped to play the character, originally Gloria Swanson's , include Glenn Close, Meryl Streep, Bette Midler and Cher.


This makes me so anxious.

MULTIPLICITY
It is true people have lots of dreams in their sleep. I just had a dozen.

I had just dreamt of having dinner with Tom Hanks, Matt Damon and some other actor I don't remember. I even took a photo, it's in my camera.

I also remember attending this anti-government meeting with elitists.

I also dreamt of a vampire, prison cells and a city burning.

There's also the part where the French are being captured.

And also the dream where I was living in some sort of rural mountain area of sorts.

And the other one where I was boarding a plane ride to California.

Implications?
Sunday, January 28, 2007
HASTY GENERALIZATION?
Tama o mali? Mahirap gawin ang isang bagay kapag alam mo na itong gawin. Isipin mo to, kapag alam mo na kasi ang gagawin mo, yun at yun ang siyang susundin mo. Walang diversity. Kadalasan di ka susubok ng ibang paraan kasi para sa iyo nahanap mo na at nagawa mo na ang pinakaepektibo. Walang risks. Kapag wala kang tinataya, mananatili ka lang sa kinalalagyan mo. Magiging stagnant ka habang ang mga iba sa paligid mo, bagamat di nila kaagad natuklasan ang tamang pamamaraan, sa pamamagitan ng pananaliksik at pageeksperimento, heto sila ngayon, mas magaling sayo. Hindi naman nangangahulugan na mali ang ginawa mo, yun nga lang, tumigil ka kagad. Di ba mahirap?
DREAMS
All great things begin with a dream - from airplanes to Disneyland; from visions to nobilities. I dream, you dream. We dream. Each one of us dream whether in reality or in our sleep - from that little boy to that rebellious teenage girl; from Howard Hughes to Gandhi. Dreams are everywhere. But not all dreams come true. This is because people fail to realize that in order to make their dreams possible - they must first learn to wake up. So wake up before you drown in your own dreams.
Thursday, January 25, 2007
JOELY
Pagkababa mula sa epex, naglakad si Makoy patungo sa sakayan ng traybayk. Marami-rami ang nakapila kung kaya medyo matagal siyang nakatayo roon. Sa kanyang paghihintay, napansin niya ang taong nasa harap niya - isang babae, medyo maikli ang buhok, katamtaman ang laki, sa hitsura nitong medyo kaswal maaaring isipin na isa siyang kolehiyala na taga-UP o mula sa unibersidad kung saan nag-aaral si Makoy. Maya-maya bigla na lamang umawit ang babae sa kantang "Sweet Child of Mine". Bigla tuloy napaisip si Makoy na maaaring isa ring struggling artist ang babaeng kaharap gaya niya. Nang may dumating nang traybayk, sumakay na kaagad ang babae at sinabi sa manong kung saan siya ibababa, "Ramses po". Nang marinig ito ni Makoy, nagtaka ito sapagkat ito ang kalsadang dinaraanan bago makarating sa kanila at sa tagal tagal ng kanyang pagtira sa lugar na iyon, ngayon lamang niya nakita ang babaeng iyon. Naisip niya na marahil, bagong lipat ito. Bago umalis ang trayk, tumingin ang drayber sa paligid upang maghanap ng maaaring maisabay at nang napatingin ito kay Makoy, sa kagustuhan ng ating bida na makauwi, sinabi nito ang kalsadang tinitirahan at sumakay sa trayk.

Maliit ang trayk kung kaya kalahati lamang ng upuan ang ginamit ni Makoy upang di masikipan ang babaeng katabi. Napansin ito ng dalaga kung kaya inalok niya si Makoy na umupo nang mas komportable.
Medyo naguilty si Makoy dahil baka akalain ng katabi na iniinsulto bagamat di naman talaga ito ganun kalaki kung nagpaumanhin ito, "Sorry."
Sabay sinagot ng katabi, "No it's okay. Sorry."
Makalipas ang ilang segundo, bigla na lamang naghi ang dalaga, "Hi! What's your name?"
"Mark"
"Mark? Sorry wala pa kasi akong friend dito eh."
"Yup, Mark. Uh... Ikaw?"
"Christine. San ang Philip?"
"Uh... Di ba Ramses ka? When you go straight, it's the street perpendicular to yours."
"Ah... Dun sa may kanto?"
"Uh... Oo."
"So san ka nag-aaral?"
"Uh... Sa Ateneo."
"Oh my God. You're just high school?"
"Uh... No. College."
"First year?"
"Uh... No. Second year."
"Ah... Mas matanda ka pala sa kin. Sorry po."
"Ah... Hehe."
"Ano course mo?"
"ComTech... Uh... ComTech Management."
"Wow. Wala akong naintindihan dun ah."
"Hehe. Ikaw? San ka nag-aaral?"
"Sa UST."
"Ah... Course?"
"Interior Design."
"Ah... I see."
Medyo napatigil ang usapan. Napatingin si Christine sa manong drayber na tahimik sa buong usapan ng magkatabi at sinabi, "O di ba manong dahil sayo may friend na ko."
"So ako talaga ang first friend mo?"
"Oo."
"Bagong lipat ka lang ba dito?"
"Uh... Yeah. Last June."
"Ah... Ako rin walang friends eh. Pero matagal na ko dito. Hehe."
Nang malapit na sa tinitirahan ni Christine, tinanong niya si Makoy, "Do you mind if I get your number?"
"Uh... No problem."
Inilabas ng dalaga ang kanyang Moto Razr at binigay ito kay Makoy upang mailagay nito ang kanyang numero. Pagkatapos itayp ang kanyang numero at pagkabalik ng cellphone kay Christine, kinuha naman ni Makoy ang kanyang sariling cellphone at binigay kay Christine. Nang makarating na sa bahay ni Christine, bumaba na ito at nagpaalam kay Makoy. "Bye! You can call me Baboy by the way."
"Bye! Nice meeting you."

Nagpatuloy ang pag-andar ng trayk at maya-maya, nakauwi na si Makoy. Pagpasok sa bahay, sinalubong siya ng kanyang ina na siyang kinwentuhan niya ng pangyayari. Natawa ang ina at nagtanong, "Saan nakatira?"
"Dun sa malaking bahay na may swimming pool."
"Ah... Yung Hapon?"
"Uh... Hindi ko alam."
"Binigay mo number mo?"
"Uh... (Bat mo alam?) Oo."
"Bakit?"
"Hiningi niya eh."
Wednesday, January 24, 2007
EDUCATING JUAN
Go ask any Filipino filmgoer, he or she will tell you either one of two things about the status of the film industry in the country - that it is either dying or has long been dead. With controversial events going on in the Philippine movie industry just like the recently concluded Metro Manila Film Festival or the MMFF (which is now even dubbed as the Metro Manila Film Funeral by others), you cannot really blame these pEnteng Kabisoteeople talking about the local silver screen with such discord. Every year, the number of local films being released continues to dwindle, overran by the never ending influx, usually of Hollywood formula films and their multiple clones (or sequels and in some cases, prequels or companions). The issue of piracy which is one of the primary suspects in the so-called death of the film industry also continues to get stronger and stronger as if going to one's suking DVD liaison is one of the daily or weekly routines of the new age Filipino film fanatic. Despite all of this, efforts to revive the local cinema through the so-called digital and indie revolution are undeniable; however, their heroic acts could not just seem to strike a chord with the typical Filipino audience. With all of these issues uncovered, what then is the solution to bring the local cinema back to life? Should we just accept the fact that the film industry is dead and cannot be revived? Should we just raise our white flags and embrace the "rare" appearances of Enteng Kabisote, the Chinese and horrific characters from 'Mano Po' and 'Shake, Rattle and Roll' respectively, and the many rip-offs of the well-known Hollywood incarnations?

Bitin ba?

Ito nga pala ang una kong sulatin para sa website na Manggang Hilaw. Malamang sa malamang, pelikula ang una kong tatalakayin. At bago pa man ako magsulat at magbigay ng opinyon tungkol sa iba't ibang mga pelikulang napanood ko, kailangan munang ipaliwanag ang kalagayan ng industriya sa kasalukuyan. Kasama na rito ang ilang mga isyu at problemang hinaharap. Sa pangwakas, mayroon akong isang rekomendasyon ukol sa suliranin ng pagkamatay ng industriya bagamat hindi pa ito gaanong malinaw.

Ano, gusto mo bang basahin ang sumunod na bahagi?

Heto
Tuesday, January 23, 2007
TWO-SECOND DELAY
Gusto ko sana gumawa ng bagong episode ng kraMTV at dumaldal nang dumaldal kaso bigla akong tinamad at inantok. Wala na ata akong ginawa ngayon kung hindi matulog at umidlip. Buti na lang at nakansela ang pagsusulit kanina sa isang asignatura. At nang pumasok ako kanina sa klaseng ito, bigla ba namang sinalubong ng propesor ang klase ng anunsyo na C+ ang pinakamataas na naibigay niyang marka sa unang kritikal na papel sa mga papel na naiwasto na niya. Hindi ko alam kung kasama ako sa natirang mga estudyante na binigyan niya ng pangkonsolasyong C. Nakakaloko ang ganitong sitwasyon. Kung tutuusin, isa ito sa mga papel na talagang binusisi ko; tapos mababalitaan ko na ganyan ang mga markang maaari kong makuha. Bagamat wala naman talaga akong pakialam sa mga marka, nakakadismaya lang na parang sinabing walang saysay yung ginawa mo, na binigyan ka lang ng marka dahil ginawa mo; okay lang sana kung sa ibang klase ko makuha ang ganyang paliwanag dahil di ko naman talaga isinasapuso ang mga gawain sa mga klaseng wala talaga akong affinity, pero ang malaman mong walang saysay ang pinaghirapan mo, ang pinag-isipan mo - ibang usapan na ata yan. Pero di pa naman tapos ang laban, di ko pa alam kung ano ang kapalaran ko. Gusto ko lang sabihin na may inaasahan ako rito. At dahil sa aking pagmamahal sa mga paniniwalang animistiko, winiwika ko, kapag nakakuha ako ng marka na mas mataas sa nabanggit na pinakamataas (o kapag ako ang pinakamataas) mananalo ako ng Best Screenplay sa Oscars! Hahaha!

Malapit na ang Pebrero! Malapit na ang Oscars! Malapit nang magpaalam sa kurso! Malapit nang makalipat sa bagong kurso! Malapit nang mabuhay muli si Makoy!
Monday, January 22, 2007
CHINA SYNDROME
Heto na naman ako... Nagpagising ng 3, gumising ng 5. Magbabasa dapat ng libro/handouts, nagbabasa ng Oscar news. Hahaha! This is crazy. I really should stop doing this shit. But hey, I'm still not liberated, so why stop? Hahaha!

I am really amusing myself with the way I'm handling things right now. Last night, I was even able to convince China to shift. Hahaha! How I wish ganito rin ako kagaling magdirect. But hey, sabi nga nila, I'm a writer... Well, at least walang "just". Hahaha!

I'm not making sense again now am I? I'm actually just stalling myself as not to get started with these readings. Yes, I still hate reading. I haven't even touched the latest three books I've bought. The thing that happened early January was just a high. Now everything's seems just a-fadin'...
Saturday, January 20, 2007
ON THE LOT
Ang laking pressure ang dulot sa akin ngayon ng ego ko na magsubmit ng pelikula para sa On The Lot ni Spielberg at Burnett. Ang problema, tila wala pa ata akong pelikulang nagagawang pang-world class. Syempre, amateur pa lang naman ako at katiting pa lang talaga ang nalalaman ko sa filmmaking kung ikukumpara sa mga filmmaker na napanood ko na ang pelikulang isinumite roon; kinakapa-kapa ko pa nga lang ang lahat ng mga ginagawa ko. Sa desperation kong makagawa ng konsepto, tila naipit na lang ako sa pamagat - 2/30. Kung gugustuhin ko, I'll try to summon the spirits of Federico Fellini since may title rin siya ng movie na fraction (although di naman talaga fraction tong pamagat kong to) and Anthony Burgess na gumawa muna ng isang kickass na pamagat bago bumuo ng isang kuwento (A Clockwork Orange). Sa ngayon, ang pinanghahawakan ko pa lamang ay 5 minutes, black and white, silent at mood. Kung itutuloy ko ito, kailangan ko ng isang napakalupit as in Gael Garcia Bernal na lupit na artista.

Plug: May bagong raket si Makoy! Bisitahin ninyo ang http://www.mangganghilaw.com kung saan matatagpuan ang future regular column ni Makoy tungkol sa pelikula at iba pang bagay. May cultural rootedness ang pagsulat ko rito, at mas akademiko kung ikukumpara sa mga personal at informal articles ko sa Stranger Streets. Ito rin ang magproprovide sa akin ng pondo para sa mga upcoming projects ko. (Hehehe) Kaya punta na sa Manggang Hilaw at tikman ang asim ng isip ng kabataan.
NOTICE
Sa lahat ng mga tagasubaybay ng kraMTV, nais kong magpaumanhin dahil maghihiatus muna ang paborito niyong online show nang pansamantala. Inaasikaso kasi ni Makoy ngayon ang lahat ng mga pormalidad ng kanyang paglipat ng kurso. Nariyan din ang pagsasaayos ng kanyang pelikulang (maaaring) ilahok sa Ateneo Video Open at ang paglalaro sa kanyang isipan na gumawa rin ng pelikulang maaaring ilahok sa On The Lot ni Steven Spielberg. Needless to say ngayon lang ata naging ganito kaexcited si Makoy ever since nakuha niya ang CD ni N.C.

Antabayanan niyo na lamang ang susunod na episode - isang special edition na siyang magfeafeature muli sa isa sa mga pinakamabentang guest ng show, si Jack sa episode na pinamagatang "Supot". Muli, ipinapaabot ko ang aking paumanhin. Makaaasa kayong maguupload muli si Makoy ng mga panibagong episode kapag may panahon na siya muli.
SI NINA
Para sa mga makabayang makata na naghahanap ng isang proyektong makapagpapakita ng cultural-rootedness at isang paglalarawan ng kabulukan ng "bansa" ngayon, heto ang isang modern-day adaptation ng katauhang inilikha ni Ginoong Pedro Paterno (na si Ninay) - Si Nina. Si Nina ang modernong Ninay, isang babaeng nakapagpapakita ng ideyal na kagandahan at kadalisayan ng pagkatao sa kabila ng lahat ng mga kapangitan sa kanyang tinitirahang lipunan. Bagamat pumapasok siya isa sa mga pinakamahusay na unibersidad sa "bansa" at sa kabila ng yamang pinansiyal, isang aktibista si Ninay at sa gawaing ito niya makikilala si Karl, ang binatang magpapaibig sa kaniya. Makikilala rin niya si Fred, isang konyo na makikipag-agawan kay Karl para sa kanyang pagmamahal. Sa pag-usad ng kuwento, makikilala rin si Biboy, isang middle-class na estudyante na miyembro ng isang frat na siyang umiibig kay Elle, isang Tsinoy. Sa pagtatapos ng kuwento, susulpot din ang isang nakabibighaning banyagang estudyante na siyang makikilala ni Karl - si Kate. Ang lahat ng mga katauhang ito at ang kanilang kuwento ay mapagaalamanan natin sa pamamagitan ng mga kuwento sa EDSA N - ang pinakamalaki at pinakamakabuluhang uri ng karnabal sa "bansang" Pilipinas.

PS:
Bagamat si Juday ang pinakaangkop na artistang maaaring gumanap kay Nina, mukhang hindi na ata angkop ang kanyang edad upang gampanan ang isang dalagang labing-walong taong gulang. Bilang personal na opinyon, mas gugustuhin kong isang morena ang gaganap sa katauhang ito.
Wednesday, January 17, 2007
SWAN SONG
Mark "Makoy" Peregrino, AB Communication minor in Cultural Heritage. Okay ba? Hahaha! Sa ngayon yan ang pinpangarap ko. Well actually first of all di ako sure kung matatanggap ako sa AB Com at pangalawa hindi ko alam kung pwede rin akong kumuha ng minor, lalo pa niyan. Pero masarap lang pag-isipan, mangarap kumbaga. At kung gusto niyong makita ang extension ng pangarap na to, tumingin tingin kayo sa UP dahil dun ko balak kumuha ng master's degree sometime soon (most likely a few years after graduating or kapag tinopak pagkatapos na pagkatapos magtapos ng kolehiyo) Hahaha! Sa ngayon wala na akong pakialam kung ano ang realistic, practical o kung ano pang pilosopiyang pinaiiral ng sangkatauhan. Basta alam kong ito ang gusto ko (sa ngayon) at depende na lang sa hunger (at ibang circumstance gaya ng luck) kung maisasakatuparan ko nga ang mga ito.

In other news, dahil sa magandang pagtanggap sa kraMTV, hindi ko muna gagawing regular ang paggawa ng mga episodes. Hahaha! I mean, mas bibigyan ko ng halaga ang quality over quantity. Just the same, ganyan din ang balak ko in terms of my 'filmmaking projects'. Siguro magsusulat lang muna ako sa ngayon at kung may gustong gumamit nun, bahala na. Hahaha! Sa ngayon, mas pagtutuunan ko muna ng pansin ang aking pag-aaral...

PS:
Yes, I am not drunken nor have I taken any prohibited drugs.
MALAPIT NA
Kagagaling ko lang sa departmental talk para sa mga estudyanteng may balak magshift. Nakatatawang isipin na siguro kung buhay pa ang pagkatao ko noong hayskul pa lamang ako - yung lider na Mark; marahil ay kinuha ko sa simula't sapul ang Development Studies. Marahil kung buhay pa nga iyon, sinapak ko na ang sarili ko habang ipinaliliwanag ang iba't ibang asignatura at trabahong pumapailalim dito.

Isa pa sa mga nakatawag ng aking pansin sa pagpupulong na iyon ay ang iba't ibang mga over-achievers ng mga kursong naroon. Nakatutuwang isipin ang iba't ibang mga parangal at karanasan ng mga estudyanteng nabanggit. Yun nga lang, medyo masakit din para sa akin na isiping hindi ako ganun. Naalala ko tuloy ang mga panahon kung saan napakarami kong ginagawa, yung panahon na naging katulad ko rin sila kahit paano. Dahil dito, ipinapangako ko na kapag natanggap ako sa lilipatan kong kurso, susubukin kong buhayin bubuhayin ko ang dating Mark - yung Mark na nag-eexcel sa halos lahat ng kanyang ginagawa mapaacademics man o extra-curricular activities. Inaamin kong nakakamiss nga ang mga panahon na kinikilala ako dahil sa mga nagawa ko; yung tipong kung saan saan ka pinapadala upang magsilbing kinatawan ng paaralan mo. Ayoko nang maging masaya dahil lamang nakakakita ako ng mga taong mas magaling sa akin; yung mababaw na kaligayahan na, "Wow. Ang galing naman nito. Sana ako rin ganyan." Marahil malapit na ngang matapos ang mga panahong isa lamang akong hamak na bum sa mga klase - yung tipong happy-go-lucky na pumupunta at gumagawa lamang ng mga gawain dahil kailangang gawin. Malapit nang matapos ang panahon ng pagpapahinga kung saan wala lang ang halos lahat ng ginagawa ko at mga panahon ng pakikipagkaibigan kung saan nakasentro ang buhay at gawain ko sa mga bagong kaibigang nakilala sa kolehiyo. Malapit na ang panahon ng pag-iisa ngunit mayroong isang konkretong indibidwal na identidad. Malapit na ang panahon na ako uli ang bida. Oo, AKO.
KONSEPTO
Muntik ko nang sabihin ang pinakamalala at pinakapolitikal na paratang sa buong buhay ko. Di ko ito tinuloy sapagkat naniniwala akong may isang malaking paliwanag na naghihintay ring maibunyag gaya ng malaking kasinungalingang napag-alaman ko sa klase na siyang dapat nagpapaalab ng aking damdamin tungo sa bayan ngunit ang kabaligtaran ang nangyayari. Ngunit gustuhin ko man, hindi ko talaga magawang talikuran ang mga paniniwalang kinalakihan ko na. Subalit ang mga konseptong nawasak ay hindi ko rin alam kung gusto ko pang maayos. Ano ngayon ang gagawin ko sa lahat ng impormasyong nakalap ko? Ano ang saysay ng bayan gayong di naman ito totoo? Ano ang saysay ng lahat ng mga pagdurusa ng lahat ng mga mamamayang nabuhay para sa kanilang ilusyong bayan? Ano pa ang saysay pag-awit ng Lupang Hinirang gayong nakapanlilinlang ang mga wikang gamit? Sabihin mo sa akin, ano pang ginagawa mo? Ngunit ano nga ba ang dapat gawin?

Kailanman hindi ko inangkin ang kaisipang isa akong makabayan ngunit pagkatapos nito, ano pa nga ang saysay natin?

Ang mamatay nang dahil sa'yo... Pakiulit nga? KANINO? Pilipinas ba kamo?
Sunday, January 14, 2007
TO MULTITASK
Nowadays it's just so hard to focus. Sabi nga ni Sir Ricky Lee, ang henerasyon ngayon ay sanay na sanay na pagsabay-sabayin ang napakaraming mga gawain. Kung kaya't para sa mga aspiring filmmaker o film enthusiasts, napakahirap ng sitwasyon na ang dami dami mong 'kailangang' panoorin subalit wala kang panahon para makita ang lahat ng mga ito. Ganoon marahil ang nararamdaman ko ngayon. I feel as if there's a lot of things I 'have' to do - I want to watch and make films, I want to write, I want to practice speaking (through kraMTV), and I want to read. And these are the things which are outside my academic life, so pano ko masisingit ang lahat ng mga ito?

Ngayong linggo ko narealize ang mga iba't ibang signs mula noong bata pa lang ako na naging dahilan kung bakit ito ang mga naging hilig ko. Through these simple ways, I realized that I did know what I wanted to do right when I was still a young kid. When I was in grade three, I together with some friends used to create these minibooks/magazines. We made use of a half sheet of paper folded and cut it then stapled and we would write things like "Book-a-book", "Pasion", "iNsEcTs", "Flants", "Puds" and "Purita and Constantina". (God I wish I know where I placed these.) When I was bored in class, I would usually do one and right after making, I would hurriedly show it to my seatmate and see his/her reaction. Aside from this, I also created my own MTV newsletter. Grade school was a time when I had this delight in watching MTV to the point when I always knew the top 10 songs every week. Because of this I even created my own top 10 list and even had articles about certain artists I like. In the field of photography, I would often become the person to watch out for in every family gathering we had as I would always take pictures of my relatives in their most awkward positions - whether they be asleep, eating or just look plain fugly. The same goes whenever I possess a video camera as I would even focus on their unflattering body parts.

Needless to say, there are a lot of things which I have done and would like to do. Sometimes I just wish that I have the time to focus in doing one thing before proceeding in doing the other. Pero sa panahon ngayon, alam nating imposible yan. Nakakamiss lang ang mga panahon na nakatuon ang buong pansin mo sa isang bagay - yung wala kang iniintinding ibang bagay (o ibang tao); yung masaya ka lang sa buhay mo habang ginagawa mo ang bagay na paborito mo.
Thursday, January 11, 2007
kraMTV
Hello Information Society. Sa mga nasabihan ko na, tuloy na tuloy na nga ang launching ng aking vlog (as in video blog) ang kraMTV na siyang mapapanood mula sa aking Youtube collection. Ikinalulungkot ko ngunit para sa ngayon by invitation muna ang access dito; most likely, yung mga close friends or depende kung may magrequest (which I doubt! Hahaha). Hahaha! Basically it features some highlights of my daily life - stories which I might not be able to share here because well, thanks to Google (and the clone posts in my Multiply), they could easily be traceable (at least kapag sa video di mo malalaman... *evil laugh* Hahaha! I'm kidding. Puro mga wala lang na kwento ang nilalaman nun.) So sa mga interested maview ang first episode ng kraMTV, just tell me. :D Regarding my movie review shit, I am still thinking of the possibility of doing the same thing (as in video commentary after watching a film) or kung isusulat ko na lang din (since malapit na rin lumabas ang Manggang Hilaw)

Quote of the Day: "Ang henyo ay di nakikilala sa kanyang panahon." -GinoongYapan
Monday, January 08, 2007
GOAL!
Papanindigan ko na ang paratang ng karamihang tao na isa akong ubod ng pagkagoal-oriented na nilalang. And for the love of listing na sinimulan ko bago magtapos ang napakagandang taon ng 2006, heto ang listahan ko ng mga binabalak kong gawin sa taong ito (in random order):
-write 5 or more screenplays (Get another id. if you know what I'm talking about. Hahaha! Happy Moment #2 of 2006 getting a 2007 repeat.)
-direct and produce 5 or more short films of my own (of different genre; enough about love [Please... I'm sick of it already *pukes*])
-have my own regular movie review column (Kahit one paragraph per film lang! Basta from Citizen Kane to The Night Buffalo)
-be part of a school paper and have an article published (Lost in Translation Part II? :P)
-watch more (foreign language [nonEnglish]) films
-finish reading at least 20 books (Finish is the operative word here. Hahaha! 2 down)
-get better grades (at least a QPI of 3 and above [mag-aaral na si Mark... Hahaha])
-exercise regularly (Hahaha. No comment.)
-sleep longer (as if I don't sleep more than 7 hours)
-get a good editing program (Pinnacle sucks)
-find some of the DVDs I have long searched for (original of course; from Last Emperor to Match Point)
-be nicer (period)
-get a girlfriend meet more friends
-spend less, save more (Hello caf!)
-fix my faith (Connecting... 1. 2. 3. Error in connection.)
-be more patient (Yeah right.)
-curse less (YEAH RIGHT.)
-get UP out of my head (for the rest of eternity) / no more fucking regrets
-keep my head in the clouds (sorry, I really could care less about politics right now)
-be recognized for something (something good that is)
-be fulfilled (even just a little)
Saturday, January 06, 2007
Ngayon lang nagregister sa utak ko na halos lahat ng ginawa ko for the past two years of my life ay malapit ko nang iflush. Sabihin mo nang exag pero yun talaga pakiramdam nun eh. Sa pagalis ko sa kinalalagyan ko ngayon, pakiramdam ko isang bago at kakaibang mundo ang papasukin ko at kailangan kong magsimula from scratch para maging lubos na matagumpay, maging masaya at pinakamahalaga, magsurvive. Ngayon ko lang napag-isip-isip na parang isang malaking kalokohan na naman ata itong gagawin ko. Ito ba talaga ang gusto ko? Puta. Kung pwede lang na may magtakda ng gagawin ko. Ayoko nang magisip pa tungkol dito. Nakakapagod na.
Friday, January 05, 2007
I CAN'T GET NO SATURATION
Sa kasalukuyan, tila lumalaki ang bilang ng mga taong gustong maging artista (as in artist; a person who has inclination for the arts) Di mo ba napapansin na sa halos lahat ng sulok sa bansa o kahit sa buong mundo, sa inyong pamilya, sa paaralan o sa komunidad, ang daming gustong maging artista (as in actor/actress na mas laganap sa uring teeny bopper), direktor ng pelikula, manunulat, photographer, musikero - mga mangaawit, tagatugtog ng anumang instrumento o ang pinakapopular na kategorya na mga nagrarakrakang banda, maging ang pagiging (top) modelo o kaya naman tagadisenyo ng mga damit? Nakapagtatakang isipin na lahat ng mga taong ito ay sadyang biniyayaan ng Panginoon ng angking talento sa iba't ibang larangang nabanggit. Siya nga ba? O hindi kaya dahil sa mga pag-unlad sa iba't ibang aspeto ng pamumuhay, tila nagkakaroon ang mga kabataan sa kasalukuyan ng isang panahon ng ilusyon. Ang tinutukoy kong maaaring isang malaking dahilan kung bakit marami sa atin ngayon ang tila naeenganyong pasukin ang mga trabahong nabanggit ay ang palakas nang palakas na di mapigilang pagbabad sa media. Sa kasalukuyan, tila halos punung-puno na ang telebisyon ng mga walang kamatayang reality show gaya ng mga talent search na kung anu-ano na yatang mga larangan ang pinasok. Dahil din sa exposure ng mga kabataan ngayon sa iba't ibang uri ng media, tila nagkakaroon tayo ng motivation na kaya natin ang ginagawa nila (sapagkat mayroon tayong kani-kaniyang konsepto ng kung ano ang maganda at ano ang hindi; depende sa ating panlasa) at dahil sa alam na natin ang mga paraan kung paano pasukin ang mga larangang ito (sa pamamagitan ng mga karanasan ng mga taong naging matagumpay sa mga iba't ibang larangan na [malamang] napanood natin sa telebisyon o nabasa sa kung saan man [mapadiyaryo, magasin o blog]), tila malakas ang ating fighting spirit na pasukin ang larangan kung saan tayo 'napaibig'. Ito nga ba ang gustong gawin? May sapat na kakayanan ba? O isa nga lang kayang isang panahon ng ilusyon ang lahat ng ito? Maaaring similar ito sa kaso ng mga taong naengganyong maging nurse o noong mas maagang panahon - accountant (na alam naman natin kung ano talaga ang dahilan). Ito rin marahil ang napagdadaanan ng mga taong gustong maging doktor sapagkat adik na adik sila sa mga programang gaya ng Grey's Anatomy at House. Maging ako man, hindi ko makakaila ang posibilidad na ito nga maaari ang dahilan kung bakit gustong gusto kong pasukin ang mundo ng pelikula na sa sobrang babad ko sa larangang ito baka isa lamang talagang ilusyon ang umiiral sa aking isipan na 'THIS IS WHERE I BELONG'. Ang pinakamalungkot sa suliraning ito ay ang mga sumusunod na ubod nang nakalilitong mga katanungan - kelan titigil ang ilusyon at kung tumigil nga, ano naman ang kahihinatnan ng mga taong nalako ng malaking ilusyong ito?
Thursday, January 04, 2007
ITALY: UNA ROMANZA (E COMMEDIA)
[door bell]

Samantha opens the door.

[kiss]

Mike: Sorry, I got stuck on traffic.

Samantha: It's okay. So what is it you've been wanting to tell me for so long? I was surprised with your call this morning...

Mike: Uh... We'll go to that later.

Samantha: Okay... Well actually I've been meaning to tell you something too.

Mike: (What!?) Really?

Samantha: Well, come inside. Let's go to my room.

Mike: (Holy mackerel! Room?! This has got to be THE night!) Oh... Alright.

Samantha opens the door to her room to reveal a candle-lit setup on her bed.

Mike: (Holy shit!) Wow... This has got to be one special night for you eh?

Samantha: Well yeah... You've got something to tell. I've got something to tell. So I prepared something. Go! Sit!

Samantha goes out for a while and comes back with two mugs and a glass of chilled white wine.

[pop]

Samantha places the mugs on the tray and pours the wine.

Samantha: Okay so we've got the elaborate setup. Now go! Tell me!

Mike: Huh? As in right now... (Awww shucks)

Samantha: Well yeah! Why waste time. The night is young. We can party later! Now tell me!

Mike: Oh alright...

He grabs her right hand with his left hand as he used his right hand to get a diamond ring from his pocket. Before he even gets to start his ceremonial masculine proposal, Samantha breaks into laughter.

Samantha: Hahaha! What's this? You have got to be kidding me Michael! Hahaha!

Mike: Huh? What's wrong... Don't you like me too? I thought that's what you're gonna tell me too. Isn't it?

Samantha: Huh? Are you kidding me! I'm a lesbian! That's what I'm supposed to tell you! That's why I had this setup so that I can formally say goodbye to my... Well, former femalehood! Hahaha! I'm sorry... I didn't see this coming.

Mike: ...

Samantha: I am so sorry Mike. I never thought you liked me. You never made the effort to let me know... Well, up until now... But I'm sorry... I just felt it was time for me to tell you that I have a girlfriend... Her name is Kath. We're actually meeting later... Do you want to come?

Mike: ...

Mike stands up and approaches the door. He takes one last look at Samantha who is still giddy and giggling in bed with some hints of guilt.

Mike: Samantha...

Samantha: Yes Mike?

Mike: ITALY...

The door remains open and we see Mike walking as Samantha is frozen in bed.

Fin.
Tuesday, January 02, 2007
BABBLE
I feel like I have this urge to write something profound although I have no idea what that is. Weeks ago I had this metaphoric article on chili peppers in mind, which I just suddenly lost interest to write about. Earlier today I had this peculiar thought of how irritating and funny it is having my mother know nothing about my (nonexistent) love life but I wouldn't want to write about that either. I also have my thoughts on how stupid, shameful, degrading, embarrassing, disgraceful, disreputable and ribald the MMFF is but I'm not in the mood to take on that (because it's pointless). I'm just losing it right now. Funny thing is that what I want to do, believe it or not, is to read; which is highly unusual if you know me. Perhaps this is the curse of the "what-you-were-doing-whilst-the-clock-strikes-twelve-during-new-year's-eve-shall-determine-what-you-will-do-and-what -will-happen-to-you-during-the-entire-year" myth. Maybe. Maybe not.
The Stranger

Kram has moved!
Graffiti


Trails
July 2005
August 2005
September 2005
October 2005
November 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007

Detours
Ady
Ais
Alexis
Angela
Bea
CA
Chally
Cheenee
Cheska
Chevs
Cid
Dereck
Ella
Ginj
Inna
Jan
Joy
Joyce
Justin
Kenneth
Kram
Krayola
Melissa
Michelle
Migs
MM
Nikko
Patrick
Rana
Reena
Rey
RJ
Smither
Zyon

Sponsor


Google Search


Credits
Brushes
Image Host
Photo