Saturday, January 20, 2007
SI NINA
Para sa mga makabayang makata na naghahanap ng isang proyektong makapagpapakita ng cultural-rootedness at isang paglalarawan ng kabulukan ng "bansa" ngayon, heto ang isang modern-day adaptation ng katauhang inilikha ni Ginoong Pedro Paterno (na si Ninay) - Si Nina. Si Nina ang modernong Ninay, isang babaeng nakapagpapakita ng ideyal na kagandahan at kadalisayan ng pagkatao sa kabila ng lahat ng mga kapangitan sa kanyang tinitirahang lipunan. Bagamat pumapasok siya isa sa mga pinakamahusay na unibersidad sa "bansa" at sa kabila ng yamang pinansiyal, isang aktibista si Ninay at sa gawaing ito niya makikilala si Karl, ang binatang magpapaibig sa kaniya. Makikilala rin niya si Fred, isang konyo na makikipag-agawan kay Karl para sa kanyang pagmamahal. Sa pag-usad ng kuwento, makikilala rin si Biboy, isang middle-class na estudyante na miyembro ng isang frat na siyang umiibig kay Elle, isang Tsinoy. Sa pagtatapos ng kuwento, susulpot din ang isang nakabibighaning banyagang estudyante na siyang makikilala ni Karl - si Kate. Ang lahat ng mga katauhang ito at ang kanilang kuwento ay mapagaalamanan natin sa pamamagitan ng mga kuwento sa EDSA N - ang pinakamalaki at pinakamakabuluhang uri ng karnabal sa "bansang" Pilipinas.

PS:
Bagamat si Juday ang pinakaangkop na artistang maaaring gumanap kay Nina, mukhang hindi na ata angkop ang kanyang edad upang gampanan ang isang dalagang labing-walong taong gulang. Bilang personal na opinyon, mas gugustuhin kong isang morena ang gaganap sa katauhang ito.

6 Comments:

Blogger tunay na pagibig said...

si c***** na lang. Morena din yun haha

10:42 PM  
Blogger wongkarboi said...

Morena hindi ita! Hahaha! Kidding... Sa bagay, bilog din mukha nun! Juday! Hahaha!

10:44 PM  
Anonymous Anonymous said...

Hoy Makoy! Nabasa ko na 'to! Si Marilou na lang, kaso kailangang magpa-tanning x_x

5:17 AM  
Blogger wongkarboi said...

Bakit siya? Kasi mahaba ang buhok? Eh kailangan 18 years old eh! Hahaha!

5:32 AM  
Anonymous Anonymous said...

Nako nako! Kailangan din pala ng facelift!

5:41 AM  
Blogger wongkarboi said...

Naku... Baka kapag binanat ang balat, kung ano pa ang mahila at mapunta sa mukha... Hahaha

5:52 AM  

Post a Comment

<< Home

The Stranger

Kram has moved!
Graffiti


Trails

Detours
Ady
Ais
Alexis
Angela
Bea
CA
Chally
Cheenee
Cheska
Chevs
Cid
Dereck
Ella
Ginj
Inna
Jan
Joy
Joyce
Justin
Kenneth
Kram
Krayola
Melissa
Michelle
Migs
MM
Nikko
Patrick
Rana
Reena
Rey
RJ
Smither
Zyon

Sponsor


Google Search


Credits
Brushes
Image Host
Photo