HASTY GENERALIZATION?
Tama o mali? Mahirap gawin ang isang bagay kapag alam mo na itong gawin. Isipin mo to, kapag alam mo na kasi ang gagawin mo, yun at yun ang siyang susundin mo. Walang diversity. Kadalasan di ka susubok ng ibang paraan kasi para sa iyo nahanap mo na at nagawa mo na ang pinakaepektibo. Walang risks. Kapag wala kang tinataya, mananatili ka lang sa kinalalagyan mo. Magiging stagnant ka habang ang mga iba sa paligid mo, bagamat di nila kaagad natuklasan ang tamang pamamaraan, sa pamamagitan ng pananaliksik at pageeksperimento, heto sila ngayon, mas magaling sayo. Hindi naman nangangahulugan na mali ang ginawa mo, yun nga lang, tumigil ka kagad. Di ba mahirap?
0 Comments:
Post a Comment
<< Home