JOELY
Pagkababa mula sa epex, naglakad si Makoy patungo sa sakayan ng traybayk. Marami-rami ang nakapila kung kaya medyo matagal siyang nakatayo roon. Sa kanyang paghihintay, napansin niya ang taong nasa harap niya - isang babae, medyo maikli ang buhok, katamtaman ang laki, sa hitsura nitong medyo kaswal maaaring isipin na isa siyang kolehiyala na taga-UP o mula sa unibersidad kung saan nag-aaral si Makoy. Maya-maya bigla na lamang umawit ang babae sa kantang "Sweet Child of Mine". Bigla tuloy napaisip si Makoy na maaaring isa ring struggling artist ang babaeng kaharap gaya niya. Nang may dumating nang traybayk, sumakay na kaagad ang babae at sinabi sa manong kung saan siya ibababa, "Ramses po". Nang marinig ito ni Makoy, nagtaka ito sapagkat ito ang kalsadang dinaraanan bago makarating sa kanila at sa tagal tagal ng kanyang pagtira sa lugar na iyon, ngayon lamang niya nakita ang babaeng iyon. Naisip niya na marahil, bagong lipat ito. Bago umalis ang trayk, tumingin ang drayber sa paligid upang maghanap ng maaaring maisabay at nang napatingin ito kay Makoy, sa kagustuhan ng ating bida na makauwi, sinabi nito ang kalsadang tinitirahan at sumakay sa trayk.
Maliit ang trayk kung kaya kalahati lamang ng upuan ang ginamit ni Makoy upang di masikipan ang babaeng katabi. Napansin ito ng dalaga kung kaya inalok niya si Makoy na umupo nang mas komportable.
Medyo naguilty si Makoy dahil baka akalain ng katabi na iniinsulto bagamat di naman talaga ito ganun kalaki kung nagpaumanhin ito, "Sorry."
Sabay sinagot ng katabi, "No it's okay. Sorry."
Makalipas ang ilang segundo, bigla na lamang naghi ang dalaga, "Hi! What's your name?"
"Mark"
"Mark? Sorry wala pa kasi akong friend dito eh."
"Yup, Mark. Uh... Ikaw?"
"Christine. San ang Philip?"
"Uh... Di ba Ramses ka? When you go straight, it's the street perpendicular to yours."
"Ah... Dun sa may kanto?"
"Uh... Oo."
"So san ka nag-aaral?"
"Uh... Sa Ateneo."
"Oh my God. You're just high school?"
"Uh... No. College."
"First year?"
"Uh... No. Second year."
"Ah... Mas matanda ka pala sa kin. Sorry po."
"Ah... Hehe."
"Ano course mo?"
"ComTech... Uh... ComTech Management."
"Wow. Wala akong naintindihan dun ah."
"Hehe. Ikaw? San ka nag-aaral?"
"Sa UST."
"Ah... Course?"
"Interior Design."
"Ah... I see."
Medyo napatigil ang usapan. Napatingin si Christine sa manong drayber na tahimik sa buong usapan ng magkatabi at sinabi, "O di ba manong dahil sayo may friend na ko."
"So ako talaga ang first friend mo?"
"Oo."
"Bagong lipat ka lang ba dito?"
"Uh... Yeah. Last June."
"Ah... Ako rin walang friends eh. Pero matagal na ko dito. Hehe."
Nang malapit na sa tinitirahan ni Christine, tinanong niya si Makoy, "Do you mind if I get your number?"
"Uh... No problem."
Inilabas ng dalaga ang kanyang Moto Razr at binigay ito kay Makoy upang mailagay nito ang kanyang numero. Pagkatapos itayp ang kanyang numero at pagkabalik ng cellphone kay Christine, kinuha naman ni Makoy ang kanyang sariling cellphone at binigay kay Christine. Nang makarating na sa bahay ni Christine, bumaba na ito at nagpaalam kay Makoy. "Bye! You can call me Baboy by the way."
"Bye! Nice meeting you."
Nagpatuloy ang pag-andar ng trayk at maya-maya, nakauwi na si Makoy. Pagpasok sa bahay, sinalubong siya ng kanyang ina na siyang kinwentuhan niya ng pangyayari. Natawa ang ina at nagtanong, "Saan nakatira?"
"Dun sa malaking bahay na may swimming pool."
"Ah... Yung Hapon?"
"Uh... Hindi ko alam."
"Binigay mo number mo?"
"Uh... (Bat mo alam?) Oo."
"Bakit?"
"Hiningi niya eh."

7 Comments:
Funny!
Hahahahaha
This sooo funny.
Hmm...
Why Joely? /:)
Hahaha! Joel Barish from Eternal Sunshine of the Spotless Mind :)
Joely?? Akala ko galing sa Joella.haha Laugh trip pare. Teka inspired ba ni Cox si Christine???
I so need to see that film x_x
I so need to see that film x_x
Gago... Totoong nangyari to. Haha
Kawawa ka naman Intsik. :)
Post a Comment
<< Home