Saturday, January 20, 2007
ON THE LOT
Ang laking pressure ang dulot sa akin ngayon ng ego ko na magsubmit ng pelikula para sa On The Lot ni Spielberg at Burnett. Ang problema, tila wala pa ata akong pelikulang nagagawang pang-world class. Syempre, amateur pa lang naman ako at katiting pa lang talaga ang nalalaman ko sa filmmaking kung ikukumpara sa mga filmmaker na napanood ko na ang pelikulang isinumite roon; kinakapa-kapa ko pa nga lang ang lahat ng mga ginagawa ko. Sa desperation kong makagawa ng konsepto, tila naipit na lang ako sa pamagat - 2/30. Kung gugustuhin ko, I'll try to summon the spirits of Federico Fellini since may title rin siya ng movie na fraction (although di naman talaga fraction tong pamagat kong to) and Anthony Burgess na gumawa muna ng isang kickass na pamagat bago bumuo ng isang kuwento (A Clockwork Orange). Sa ngayon, ang pinanghahawakan ko pa lamang ay 5 minutes, black and white, silent at mood. Kung itutuloy ko ito, kailangan ko ng isang napakalupit as in Gael Garcia Bernal na lupit na artista.

Plug: May bagong raket si Makoy! Bisitahin ninyo ang http://www.mangganghilaw.com kung saan matatagpuan ang future regular column ni Makoy tungkol sa pelikula at iba pang bagay. May cultural rootedness ang pagsulat ko rito, at mas akademiko kung ikukumpara sa mga personal at informal articles ko sa Stranger Streets. Ito rin ang magproprovide sa akin ng pondo para sa mga upcoming projects ko. (Hehehe) Kaya punta na sa Manggang Hilaw at tikman ang asim ng isip ng kabataan.

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Alam ko yang 'On the Lot' na yan. Laki rin ng premyo, $1M!

Reality show (ata). Yun lang ang downside.

11:18 AM  
Blogger wongkarboi said...

Oo nga eh! Bwiset! Nung isang araw ko lang nalaman tapos sa Feb 16 na pala deadline! Yup, reality show nga. Parang American Idol na iba iba yung theme ng gagawing film per week, tapos may judges din. Gusto mo gawa tayo ng screenplay? Hahaha

4:21 PM  

Post a Comment

<< Home

The Stranger

Kram has moved!
Graffiti


Trails

Detours
Ady
Ais
Alexis
Angela
Bea
CA
Chally
Cheenee
Cheska
Chevs
Cid
Dereck
Ella
Ginj
Inna
Jan
Joy
Joyce
Justin
Kenneth
Kram
Krayola
Melissa
Michelle
Migs
MM
Nikko
Patrick
Rana
Reena
Rey
RJ
Smither
Zyon

Sponsor


Google Search


Credits
Brushes
Image Host
Photo