KONSEPTO
Muntik ko nang sabihin ang pinakamalala at pinakapolitikal na paratang sa buong buhay ko. Di ko ito tinuloy sapagkat naniniwala akong may isang malaking paliwanag na naghihintay ring maibunyag gaya ng malaking kasinungalingang napag-alaman ko sa klase na siyang dapat nagpapaalab ng aking damdamin tungo sa bayan ngunit ang kabaligtaran ang nangyayari. Ngunit gustuhin ko man, hindi ko talaga magawang talikuran ang mga paniniwalang kinalakihan ko na. Subalit ang mga konseptong nawasak ay hindi ko rin alam kung gusto ko pang maayos. Ano ngayon ang gagawin ko sa lahat ng impormasyong nakalap ko? Ano ang saysay ng bayan gayong di naman ito totoo? Ano ang saysay ng lahat ng mga pagdurusa ng lahat ng mga mamamayang nabuhay para sa kanilang ilusyong bayan? Ano pa ang saysay pag-awit ng Lupang Hinirang gayong nakapanlilinlang ang mga wikang gamit? Sabihin mo sa akin, ano pang ginagawa mo? Ngunit ano nga ba ang dapat gawin?
Kailanman hindi ko inangkin ang kaisipang isa akong makabayan ngunit pagkatapos nito, ano pa nga ang saysay natin?
Ang mamatay nang dahil sa'yo... Pakiulit nga? KANINO? Pilipinas ba kamo?
Kailanman hindi ko inangkin ang kaisipang isa akong makabayan ngunit pagkatapos nito, ano pa nga ang saysay natin?
Ang mamatay nang dahil sa'yo... Pakiulit nga? KANINO? Pilipinas ba kamo?
0 Comments:
Post a Comment
<< Home