PILOSOPO
Maraming taong nahahayok ngayon manood ng mga seryeng pantelebisyon ng isang bagsakan (o minsan paputol-putol din; pero ang punto, mahaba-habang panahon pa rin ang ginugugol). Nangangahulugan ba itong kailangan na ring gumawa ng mga pelikulang kasinghaba ng pinagsama-samang anim na kabanata ng Star Wars? Handa na ba ang mga manonood sa mga gaya ng eksperimental na pelikulang The Cure for Insomnia, ang pinakamahabang pelikula sa kasaysayan na 5220 ang haba? Papatulan kaya ito ng manonood? O sasabihin mo na namang depende sa uri ng pelikula? Malamang sa malamang, baka isang bobong pelikula lamang ang magtagumpay rito. Paano na ang mga malalim at makabuluhan sa kabila ng nakaantok na mga pelikula? Nakatatawa na nakaiiyak.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home