Saturday, March 17, 2007
GUILTY PLEASURES
First time ko (ata) magblog ng ganito. I'm feeling casual tonight. Bear with me.

Kadalasan kapag pumupunta ako sa Megamall, meron talaga akong specific places na dinaraanan, at usually, yung mga yun lang talaga; yun ay Astro, Odyssey, Powerbooks, National (paminsan-minsan) at Sbarro. Kaya kanina sa pagpunta ko sa aking paboritong mall, muli na naman akong bumisita sa mga tindahang iyon, maliban lamang sa Sbarro, na matagal-tagal ko na ring official kainan dun. Ngunit dahil sa muling pag-atake ng hypochondriasis... este spasm ng butihing ina ko, nakonsensiya akong huwag kumain dun dahil wala siyang makakaing pwede sa kanya. Sa tamad kong maghanap ng iba pang lugar at dahil ayoko sa Kenny na katapat lang ng Sbarro, sa Wendy's kami kumain.

Isa sa pinakaayoko tuwing pumupunta ako sa mall ay ang makakita ng isang larawan o manifestation ng poverty. Don't get me wrong, I have nothing against people who are not as blessed as some people I know, pero hindi naman ako si Angelina Jolie na kayang ampunin ang lahat ng mga naghihikahos sa mundo. May dapat ba akong gawin? Kailangan ko bang maguilty? I know it sounds pathetic pero minsan di ko mapigilan kundi iwasan na lang ang mga sitwasyong ganun, maybe because of guilt nga siguro. Ewan ko.. Siguro naguilty lang ako dahil ang laki-laki ng size ng kinakain ko, hindi ko na nga rin maubos pati yung mga tira-tira ng nanay kong may hypo... err... spasm. Samantalang heto ang isang mag-ama o maglolo na nagsheshare ng inumin na 1/3 lang nung size ng malatabong inumin na di ko maubos.

Dahil doon, bigla ko tuloy naalala yung pumanaw ko nang tito na siyang tumayo na rin na parang ama ko. Noong bata kasi ako gaya nung mag-ama/maglolong nakita ko sa Wendy's, madalas din kami mamasyal nung tito ko. Naalala ko pa noong halos araw araw eh kumakain kami sa Tropical pagkasundo niya sa kin sa eskwela. Kahit saan ako magyaya, dinadala niya ko. Halos kahit anong ipabili ko, binibigay niya. Kaya bilib ako sa mga lalaking magaling gumanap ng papel bilang ama. Yun talaga ang isang bagay na hahangaan ko habambuhay.

On a lighter note, nang pauwi na kami ng aking butihing ina, laking pasalamat ko sa Diyos at hindi ko nahawakan ang pintuan ng taksi na sinabugan ng suka ng sabog na babaeng huling sumakay roon. Isipin mo na lang ang isang taksi na ang pintuan sa may likod ay may mga tira-tira ng suka na maaari mong sabihin ay inilabas ng isang babae na nasa loob. Instant star nga yung pasaherong babae na may "mahangin ba sa labas?" hairdo na lumalakad nang pagewang-gewang nang lumabas sa kawawang taksi, the girl with matching remains of suka on her blouse and skirt habang tinititigan siya ng lahat ng nakapila sa Megamall. Naintindihan naman kami ng kawawang driver na nasira ang biyahe, na natawa na lang sa amin dahil ayaw naming sumakay ng aking ina. Kawawa nga yung sumalubong na lovely couple sa may kanto ng Megamall at EDSA dahil biglang napahawak yung lalake sa kadiring pintuan.

Bago pa man mangyari ang insidenteng iyon, habang nasa pila pa lang kami. Napagitnaan kami ng isang lola sa likod at isang grupo (fad) ng mga tinedyer. Nakakatawa yung moment na pinagalitan nung lola yung mga teens dahil ayaw pa raw sumakay, nagdadaldalan lang naman; wala sa kaalaman ni lola na may sakay na ang mga taksing nakapila, trapik kasi at madilim yung tint ng mga bintana. Nakakaaliw yung moment na yun, parang eksena sa pelikula - matanda na nagagalit sa kabataan.

Sa loob ng taksi, muli na naman naming pinag-usapan ng aking nanay ang tungkol sa aking pag-aaral. Ayun at muli na namang nagkasisihan dahil bakit daw ba nagComTech ako at di na lang dumeretso sa Comm noong simula (eh ComTech nga ang compromise ko dahil ComSci-related course ang pinapakuha niya sa kin habang Comm talaga gusto ko); at nang banggitin ko na mas gusto ko naman talaga ang course ko sa UP (Film) bakit daw di na lang ako nag-UP (eh siya naman itong pinilit ako na huwag na lang ako mag-UP dahil sa tipikal na reputasyon ng unibersidad) Sa totoo lang, wala akong pagsisisi na nagComTech ako. Siguro kung magsisisi man ako, mas directed sa fact na di ako nagFilm sa UP. Pero ngayon, wala talaga akong pinagsisisihan dahil alam ko na makatuntong lang ako sa Comm, everything will be okay and I will be on top of my league (sana).

1 Comments:

Blogger tunay na pagibig said...

adventure ng suka!

7:16 AM  

Post a Comment

<< Home

The Stranger

Kram has moved!
Graffiti


Trails

Detours
Ady
Ais
Alexis
Angela
Bea
CA
Chally
Cheenee
Cheska
Chevs
Cid
Dereck
Ella
Ginj
Inna
Jan
Joy
Joyce
Justin
Kenneth
Kram
Krayola
Melissa
Michelle
Migs
MM
Nikko
Patrick
Rana
Reena
Rey
RJ
Smither
Zyon

Sponsor


Google Search


Credits
Brushes
Image Host
Photo