PAANO KO SASABIHIN?
Heto na naman ang isang hilaw na konsepto. Tungkol ito sa isang napakakontrobersyal na paksa (para sa manunulat) - ang usaping pag-ibig. Magulo pa ang mga argumento pero susubukin kong ipaliwanag sa abot ng aking makakaya. Hindi ko sigurado kung narinig na ito sa kung anumang uri ng media pero napaisip lang ako - paano nga ba maghayag ng pag-ibig? Ano ang kailangang sabihin o gawin?
Sa usapin ng paglalahad ng pagmamahal, pag-isipan mo ito - kung tutuusin tila napakadali lamang namang sabihin ng mga salitang 'mahal kita' sapagkat marami kang paraan para sabihin ito. Kung isa ka naman sa mga sawang sawa na sa konseptong ito, sasabihin mong mas makabubuti kung ipaparamdam mo sa taong minamahal mo ang anumang iyong tunay na nararamdaman na siyang naipamamalas sa mga gawaing pagbibigay ng mga regalo o di kaya pagiging malapit, maalalahanin at mapanuyo na kung tutuusin ay di rin naman ganun kahirap. Paano mo ngayon maipapakita at magagawan ng konkretong manipestasyon ang mga kasabihang paulit-ulit na ginagamit ng mga manunuyo sa kanilang mga niligawan na tila nagbabago na rin kasabay ng paglipas ng panahon? Sa kabilang dako, pano mo maipapakita na sagad sa iyong kaluluwa ang mga kilos na iyong ipinararamdam sa taong minamahal mo (Halimbawa: Ang kaibahan ng pagbigay ng isang mayamang konyo ng isang kahon ng mamahalin Ferrero sa pagregalo ng isang normal na tao ng isang pirasong rosas; ngunit sasabihin ko rin sa iyo na kahit sa ganitong kundisyon ay mayroon pa ring nakapipigil o nakababawas ng tunay na pakiramdam sapagkat alam nating ito na ang nakasanayan; alam natin kung ano ang pagkakaiba, ang timbang.)
Halos sa lahat na lang ng mga palabas at pelikula, pag-ibig ang pinapaksa. At sa napakaraming imaheng ipinapakita, paulit-ulit nating naririnig ang mga walang sawang linyang paulit-ulit na isinasambit ng lalaking manunuyo sa kanyang iniirog. Hindi ko talaga lubos maintindihan kung paano nagkakaroon ng epekto ang mga ito datapwat alam nating ito na ang nakasanayan; alam na ng mga kalalakihan kung ano ang mga dapat sabihin; ang mga circumstance kung saan nila maaaring maipakita ang kanilang 'nararamdaman'. Dahil sa paulit-uli na mga imaheng ito di ko mapigilang di isipin na di talaga pag-ibig ang dahilan ng mga panunuyong ito. Dahil alam na ng lalaki kung paano suyuin ang babae, di kaya ginagamit lamang niya ang mga nakagawian na o ang mga alam na paraan upang makuha ang kanilang kagustuhan - hindi ang pag-ibig kung hindi ang babae mismo na sa salita ng mga iba ay nagsisilbi lamang na tropeyo ng mga makasarili? Hindi kaya ito ang dahilan kung bakit maraming mga mag-asawa ngayon ang naghihiwalay? Hindi sa isinusulong ko na lalong pahirapan ng mga kababaihan ang mga lalaki sa kanilang panunuyo pero isipin mo ito - kaya ka nga sinusuyo upang mapatunayan nila ang kanilang mga sarili; paano nila mapapatunayan ang kanilang sarili kung gagamitin lamang nila ang mga estilong nagamit na noong unang panahon (di ko sinasabing parehong-pareho pero hindi ba't halos magkahawig lamang?; nag-evolve lang sa paglipas ng panahon [syempre sa panahon ngayon saan ka naman makakarinig sa Maynila ng lalaking magsasambit ng mga wikang 'iniirog kita'?]) di ba't di kaaya-ayang isipin na sinagot mo lamang siya dahil alam niya ang mga dapat gawin na di kaagad nangangahulugan na ito talaga ang kanyang nararamdaman (ano naman kung sabihin kita ng 'I love you' eh halos lahat naman ng tao sinasabi yun; wag ding gawing dahilan ang paraan ng pagsabi dahil tila sa panahon ngayon isa nang talento ng lahat ng mga tao ang pambobola)?
Dahil sa konseptong ito (bagamat malabo pa), nakabuo na ako ng isang mas makatotohanang depinisyon kung paano mo maihahayag ang pag-ibig - hindi mo ito makakamit sa pamamagitan ng mga salitang 'mahal kita', 'I love you', 'ti amo', etc; hindi mo rin ito maipapakita sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga mamahaling regalo o pagpaparamdam ng kung anumang mapagbalatkayong 'I care for you' o 'I'm here for you'. Sa tunay na pagpapahayag ng pag-ibig, kung anuman ang mga bagay na hindi mo inaakalang magagawa mo o masasabi sa normal na pakikitungo o sa pang-araw-araw na pamumuhay mo at nagawa o nasabi mo ito sa taong iniibig mo, ito ang tunay na pag-ibig. Napakahilaw na kaisipan pero gaya ng palaging sinasabi ng kababaihan, alam nila ito kapag napaharap sila sa ganitong sitwasyon (woman's instinct ika nga). Hindi mo kailangan ng isang ispesipikong bagay o gawain, di rin naman dapat superficial, pero alam mo naman siguro ang magagawa mo sa di mo magagawa nang tunay. Ngayon ang tangi kong prinoproblema - datapwat sobrang gasgas na ng mga salitang 'I love you' ano nga ba ang mga salitang maaaring maipalit nang pansamantala na may tinataglay na epekto gaya ng mga salitang 'I love you' noong mga panahong napakalaki at napakalakas pa ng kahulugan nito?
Gaya ng nabanggit sa panimula, isa lamang itong paglalaro ng isip ng manunulat. Paumanhin sa mga naguluhan at walang naintindihan.

7 Comments:
I have no idea what you are talking about. Hahahaha
Masaklap. I'm lost. Di ba ang tanong kung paano sasabihin? Ang solution mo: pag nakagawa ng bagay para sa isang tao na hindi nagagawa para sa iba. Saan yung pagpapahayag ng damdamin dyan? x_x
Hahaha... Di naman kasi ito isang kritikal na papel eh. :P
Haha sorry, it's long enough to be one though :)
Hahaha... Wala akong masabi Munee. :P
oo tama ka nga.
think outside the box.
yihee ano kaya ang gagawin mo?
What's your point? /:)
Post a Comment
<< Home