INCONSISTENCIES
Sabi ng isang doktor masyado raw akong goal-oriented na kailangan ko raw ipakita ang more 'human' side ng aking persona. Naaalala ko minsan may nagsabi rin sa akin na masyado naman daw akong madrama. Gusto niyo pa ng isang nakalilitong sitwasyon? Sa klaseng kinabibilangan ko, kilala ako bilang isa sa mga pinaka-loud samantalang sa organisasyon ko sa kabilang mundo, nakuha pa akong pangalanan bilang ang taong may pinakakaunting salitang winika. Conflicting ba? Ang masasabi ko lang dyan, may panahon para sa iba't ibang ugali. Depende na lang siguro kung sino ang kasama ko at ano ang nararamdaman ko, kung ano ang magiging pakikitungo ko. Pero don't get me wrong, hindi yun hypocrisy. Marahil may kaunting pagsuot ng maskara pero overall, isa lamang itong pagtatantya; kumbaga, chinecheck ko pa ang temperatura ng tubig. May mga bahaging nakaakma na ang tamang lamig kung kaya nakakikilos na ako nang maayos habang mayroon ding mga bahaging di pa ako gaano sanay. Pero paminsan minsan, hindi ba't mas masarap ang pakiramdam kung nakalutang ka lang sa tubig nang walang kamalay malay sa paligid hangga't alam mong buhay ka pa, payapa ka, aanod ka na lang, saan ka man dalhin ng tubig.
Sa totoo lang hindi ko alam kung ano na naman itong mga pinagsasabi ko. Gusto ko lang magpatuloy nang magpatuloy sa pagsasalita. Parang agos na walang tigil na umaanod. Mataas nga siguro ang current sa gabing ito. Ang buwan at ang mga bituin, patuloy akong kinukulit. Ayaw tumigil. Mawawala't lilitaw. Napakamapaglaro. Patuloy na nanunukso. Wala namang saysay. Wala nga ba?
Pasensya na mambabasa, ulo ko'y nabasag na naman muli. Gusto ko na lang managinip. Hayaang maglakbay ang aking kaluluwa. Lulutang lutang sa himpapawid. Maglalakbay sa kung saan mang paroroonan. Sana ganun na lang kasimple ang buhay. Pano nga kung ang lahat ng ito ay isa lamang na napakatinding lucid dream? Sa aking paggising, ano kaya ang aking masisilayan?

0 Comments:
Post a Comment
<< Home