Friday, December 22, 2006
HAPPY
Kay and Jesse. Isang eksena mula sa Oneironauts. (Pinaglaruan nang kaunti ang imahe.)

Malapit nang matapos ang araw na pinakahihintay ko. Bagamat hindi ko natapos ang mga gawaing itinakda ko, masaya pa rin ako sa mga nagawa ko ngayong araw na to. Karamihan dito ay nakamit ko sa tulong ng mga paborito kong mga tao ngayon (mamaya ko na kayo pasasalamatan nang isa-isa kapag natapos na natin ang lahat, pero sasabihin ko na rin ngayon na maraming maraming salamat sa tulong at suporta; isang eksena na lang - it's a wrap na!) Hindi ko pa masasabi kung ito na nga ang pinakamaganda kong nagawa sa ngayon pero para sa akin, ito talaga yung paborito ko. Kung malapit kayo sa akin, siguro alam niyo na rin kung bakit (pero ngayon ko na rin sasabihin, kung nais niyong malaman ang totoong kahulugan ng pelikula - hindi talaga to maganda; lalo na para sa mga sawi sa pag-ibig na umaasang pag-ibig; hayaan niyo, pag napanood niyo at tinutukan niyo nang maigi ang tunay na kuwento, malalaman niyo rin ang sinasabi ko.) Kabaligtaran sa nangyari sa nakaraan kong paggawa ng pelikula ang nararamdaman ko ngayon - wala talagang bahid ng inis o lungkot; lahat masaya lalo na kapag ang mga katrabaho ay mayroong napakalakas na pakiramdam ng kagalakan sa kanilang trabaho. Isang eksena na lang. Isang eksena na lang. Kaya natin to. Chocolate Kiss uli! (Ay ewan pala, nilayasan na ko ni Ninoy pati nina Jose Abad Santos. Titignan pa kung may laman si Babe. Hahaha.)

PS:
Maraming salamat din nga pala sa lugar kung saan kami nakisaksak nang naubos ang baterya ng camera.

1 Comments:

Blogger wongkarboi said...

Maraming salamat.

4:43 AM  

Post a Comment

<< Home

The Stranger

Kram has moved!
Graffiti


Trails

Detours
Ady
Ais
Alexis
Angela
Bea
CA
Chally
Cheenee
Cheska
Chevs
Cid
Dereck
Ella
Ginj
Inna
Jan
Joy
Joyce
Justin
Kenneth
Kram
Krayola
Melissa
Michelle
Migs
MM
Nikko
Patrick
Rana
Reena
Rey
RJ
Smither
Zyon

Sponsor


Google Search


Credits
Brushes
Image Host
Photo