Saturday, November 25, 2006
FINAL ANSWER?
Paunawa: Ang sulatin na ito ay binubuo ng mga salita at konseptong ubod ng keso (bagamat makatotohanan at taimtim). Kung di mo ninanais na makabasa ng ganitong klaseng panunulat, wag ka nang magabala at mamili ka na lang dyan sa bandang kanan ng monitor mo ng ibang mga sulating maaari mong basahin.

Nakapagpasya na ako. Nasabihan ko na ang mga taong dapat sabihan. Sa Lunes, sisimulan ko nang gawin ang mga hakbang upang tuluyan nang maging opisyal ang aking pag-alis at paglipat. Desidido na talaga ako. Wala na sigurong makapipigil pa sa akin.

Pero alam mo, kahit alam kong isang malaking kalokohan ang pagpasok ko sa pinasukan kong ito, wala akong kahit anong pagsisising nararamdaman. Nangyari na ang mga nangyari; di na mapapalitan ang mga iyon. At dahil na rin sa mga pangyayaring iyon, nabuo ang pagkatao ko kung anuman ito ngayon. Kahit may mga pagkakataong gusto ko na talagang sumabog dahil sa mga kabwisitang nararanasan ko sa mga asignaturang ewan ko ba kung bakit ko kinukuha, masasabi kong naging masaya na rin ako sa mga karanasang iyon. Sa mga pagkakaibigang nabuo, mga kwentong naibahagi, mga buhay na nakasalimuha - maraming salamat. Malugod kong ikinararangal ang lahat ng mga iyon. Salamat tiwalang ipinagkaloob niyo sa akin. Alam kong napakaaga pa para sabihin ko ang mga ito pero pakiramdam ko kailangan ko nang sabihin habang natural pa yung pakiramdam. Alam niyo naman ako, kung paano ko minsan maging di sensitibo sa mga pangyayari. Kaya muli, salamat kaibigan.

Nakatutuwa rin ang mga magandang feedback mula sa ilang mga kaibigang nasabihan ko na nito lalo na yung sobrang lakas ng assurance na tama itong ginagawa ko, na hindi lang dahil gusto ko datapwat ito talaga yung nakatakda kong gawin. Ang sarap mapakinggan ng mga ganun. Yun lang talaga ang kailangan ko sa ngayon.

Sa ngayon, kaba talaga ang pangunahing nararamdaman ko, maliban sa excitement. Ewan ko ba. Para tong isang eksena sa pelikula, yung magigising yung bida sa gitna ng gabi na tila may tumatawag sa kanya; di niya alam kung ano iyon, ano ang mangyayari sa kanya pero sobrang lakas ng pakiramdam niya na may halong tuwa at kagalakan kung kaya sinusundan niya ito kahit di siya gaano kasigurado basta alam niya na gusto niya. Medyo malabo. Isipin mo na lang yung eksena sa Lord of the Rings: Two Towers... Nasa Fangorn Forest si Aragorn, Gimli at Legolas tapos may naramdaman silang kakaibang nilalang na yun pala, si Gandalf! Parang ganun. Kakaiba talaga yung pakiramdam excitement na may halong kaba. May isa pa kong halimbawa pero wag na lang, wholesome ako ngayon.

Hindi pa siguro ito ang huling pagpapasya ko tungkol sa bagay na to pero sa ngayon, 99% na ng buong pagkatao ko kasama na dyan ang utak at puso na nagsasabing panahon na upang buksan ang isang panibago yugto ng aking buhay (na tiyak na mas magiging masaya at makapagbibigay sa akin ng fulfillment na hinahanap ko)

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Masaya ako para sa iyo, Ginoong Peregrino! Ninais ko ngang italakay rin and paksayng iyan sa aking journal ngunit kinapos ako sa oras. Ang masasabi ko sa ngayon, tama ang tatahakin mo at hindi ka mag-iisa. Siguro nga, para masabi ko lahat nang gusto kong sabihin ukol sa naturang paksa, kokopyahin ko na lamang ang iyong naisulat at "ididikit" sa aking journal (copy-paste). Parehas na parehas ang nasa utak ko sa ngayon. Determinado na rin ako. Tulad mo, wala akong pinagsisisihan. Masaya ako sa pinagdaanan ko na siya namang bumuo ng aking pagkatao.

Sugod na tayo sa ating mga pangarap, Ginoong Peregrino.

6:37 AM  
Blogger wongkarboi said...

Maraming salamat sa suporta. :)

12:46 PM  

Post a Comment

<< Home

The Stranger

Kram has moved!
Graffiti


Trails

Detours
Ady
Ais
Alexis
Angela
Bea
CA
Chally
Cheenee
Cheska
Chevs
Cid
Dereck
Ella
Ginj
Inna
Jan
Joy
Joyce
Justin
Kenneth
Kram
Krayola
Melissa
Michelle
Migs
MM
Nikko
Patrick
Rana
Reena
Rey
RJ
Smither
Zyon

Sponsor


Google Search


Credits
Brushes
Image Host
Photo