Monday, October 02, 2006
INTANGIBLE ASSETS
Masyadong malabo pero ipopost ko na rin. Sayang ang pagtype.

Ilang araw nang nakatambak at nananatiling nakatambak ang mga gawain. Maski yung Vanilla Sky at Broken Flowers na ilang araw ko nang gustong panoorin, nakatiwangwang lang dito sa kwarto ko.

Ito na nga ba ang kinatatakutan ko eh.

Isa sa mga pangako ko sa 'egotistic self' ko bago ako tumungtong ng kolehiyo ay huwag masyadong maging 'attached' sa mga taong makakasalimuha ko. Ang hirap. Mahirap. Kahit saan mong punto tignan, mahirap. Di ko alam kung magagawa ko o kaya kong gawin pero sinusubukan ko pa rin kahit paano. Huwag na natin ungkatin pa ang dahilan sa pangakong ito. Sa ibang araw na lang natin pag-usapan yan.

Gaya nang nabanggit ko sa panimulang talata, marami akong bagay na hindi ko magawa. At ano pa ang dahilan dito kung hindi ang mga tao sa paligid ko. Hindi naman sa sinisisi ko ito o anuman, sa katotohanan, malaki talaga ang pagpapahalaga ko sa relasyon ko sa mga kaibigan ko, pero natatakot lang ako na sa sobrang 'attached' ko sa mga tao, dito magmumula ang kahinaan ko. Oo, natural sa tao ang pangyayaring ito, pero para sa akin, hindi ko alam at ayokong maranasan ang mapait na pakikipaghiwalay sa isang kaibigan. Masyado atang mahirap, masakit. Hindi ko kakayanin.

Nakakatakot magpundar ng isang bagay na alam mong maaaring mawala rin sa iyo balang araw. Pero ganun talaga ang buhay minsan talaga kailangan mong sumugal. Maganda man o hindi ang maaaring kalabasan, sa kinalaunan, mahalaga na rin na may naipon ka, na kahit paano balang araw kapag sobrang nangangailangan ka, may mahuhugot ka. Kahit kapiranggot, mahalaga meron.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

The Stranger

Kram has moved!
Graffiti


Trails

Detours
Ady
Ais
Alexis
Angela
Bea
CA
Chally
Cheenee
Cheska
Chevs
Cid
Dereck
Ella
Ginj
Inna
Jan
Joy
Joyce
Justin
Kenneth
Kram
Krayola
Melissa
Michelle
Migs
MM
Nikko
Patrick
Rana
Reena
Rey
RJ
Smither
Zyon

Sponsor


Google Search


Credits
Brushes
Image Host
Photo