COKE LIGHT
Dahil sa PE extravaganza kaninang umaga, hindi ako nakapagsimba. Tapos nang pumunta ako para sa 6 pm mass, due to some unknown circumstance o excuse na inannounce last week na di ko napakinggan, wala palang misa. Dahil dito, napilitan ako at ang aking ina na pumunta sa pinakamalapit na simbahan. Actually, dun kami talaga nagsisimba dati, eh since nagkaroon na ng 6 pm mass sa amin, di na kami lumalayo. Ang daming pagbabago kong napansin sa pagpunta ko dun. Palibhasa ang tagal ko nang di nakapunta dun. One interesting about that church was the Chinese priest who always had visual aides whenever he says his sermon. Anyway, ang nadatnan ko kanina dun ay ang (western Asian?) priest na marunong na palang magtagalog; dati kasi hirap pa siya magEnglish, tapos ngayon nakakapagtagalog na. One thing that kind of caught me off guard was their choir. Dati, they were a bunch of adults who sang well talaga; they actually reminded me of those Ilocano folk singers my uncle used to listen to when he was alive, para sila yung mga kumakanta kapag may fiesta tapos ang saya ng tempo. Nang magsimba ako kanina, wala na sila. Pinalitan sila ng mga teenager na gusto atang magaudition para sa isang opera dahil halos lahat ng ending parts ng songs nila sobrang taas kahit ang sagwa na talaga pakinggan. Pero ang pinakamalala talaga dun eh yung drums. I mean, you're in a church - sabihin na natin yun ang means mo para iprofess yung faith mo or something, pero yung iba naman ang naaabala mo sa means na to. They were bad. Really bad. Call me old-fashioned, but hey ganun talaga eh. Idagdag mo pa ang napakainit na pakiramdam na tila nakakulong ka sa isang pressure cooker.
Anyway, this experience makes me want to make a film about the experience of attending mass. Alam mo yung mga modern poems sa Hulagpos? Parang ganung feel yung gusto ko. Gusto ko icover yung totoong iniisip ng tao habang nagsisimba - mula sa mga desperado na humihingi ng kasagutan hanggang sa mga lalaking may minamanyak habang nagsisimba. Pero sa susunod na to. May 'Rendezvous' at 'The Muse' pang kailangang tapusin.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home