M. NIGHT
Okay. Bago pa ako mahiritan ng sinumang makakanood ng pelikula ko, isasalaysay ko na ang kuwento sa maaaring maging kahantungan ng proyekto.
Sa ngayon, wala pa rin akong artistang gaganap sa papel ng pangunahing tauhan. Kapag wala pa ring nakapagpahayag ng interes mula sa aking grupong kinabibilangan, iisa na lamang ang matitirang tanging paraan upang maisalba ko ang pelikula ko - ako mismo ang gaganap sa papel.
Kung kilala mo ko at napagusapan natin ang Lady in the Water, maaalala mong nainis ako sa napaka-'conceited' na pag-arte ni M. Night Shyamalan sa kanyang sariling pelikula bilang isang manunulat na siyang magliligtas sa buong sangkatauhan. Hindi ko binabawi iyon at alam kong iniisip mo ngayon na baka kainin ko lang ang sinabi ko pero ito ang punto ko: Kapag ang barko ay lulubog na, gagawin ng kapitan ang lahat ng kanyang makakaya upang maisalba ito; karaniwan (at least sa magandang stereotype), siya pa nga ang natitira, hindi nito lilisanin ang kanyang barko hanggang sa kahuli-hulihang sandali. Nasa ganitong sitwasyon na ako ngayon. Kung gusto ko talagang magawa ito, gagawin ko ang lahat ng paraan anuman ang maaaring maging kapalit nito. Isinasantabi ko na ang anumang palamuting dahilang maaaring nakakabit sa paggawa ng pelikulang ito (Oo, kahit kapalit nito ang aking dignidad! Hahaha) . Ang tanging motibo at dahilan na lamang ng pagsasagawa ko ay ang mismong paggawa ng isang pelikula - anuman ang sabihin ng mga tao.
Desperado na nga siguro ako. Alam kong di naman talaga ako kagalingan sa larangan ng pag-arte; sa katotohanan, hindi naman talaga ako umaarte pero sa ganitong klaseng sitwasyon, wala nang atrasan. Mas gugustuhin ko na siguro na makutya sa aking mga pagkakamali kaysa magsisi na hindi ko man lamang sinubukan, na umatras ako.
Patuloy pa rin ang pagsikat ng araw.

No need for this. Miracles do indeed come true. Credo! Credi!
2 Comments:
bka ganun rin yung case ni m.night sa ladyinthewater haha
A commercial director, running out of actors for his film? Give me a break!
Well ibang usapan na yun if he thinks he's the only person fit for the job. But still, it's pretty much CONCEITED! Hahaha
Post a Comment
<< Home