FACT OR FICTION
Sana ako na lang gumawa ng 'The Follow' tapos yun yung pinasa ko. Sana ako na lang sumulat ng 'Before Sunrise' pati 'Before Sunset' maging ng 'Adaptation', 'Eternal Sunshine of the Spotless Mind', pati 'Closer' na rin. Sana ako na lang ang nagdirehe ng 'Dr. Strangelove Or: How I Stopped Worrying and Love the Bomb' pati ng 'Casablanca', 'Day for Night' maging ang 'Blowup'. Ang daming mga bagay na masarap asamin sa buhay no? Mga bagay na ninanais mong ikaw na lang sana ang nakagawa dahil sa sobrang paghanga mo sa mga ito. Minsan talaga pakiramdam mo na para sa iyo talaga ito. Mapapasabi ka pa nga ng "This is a project I could've done!" o kaya naman "Kung gagawa ako, eto ang kalalabasan - ganitong ganito..." Pero hindi ikaw ang gumawa eh. May nauna na sa iyo. Siya ang may-ari nito. Hindi ikaw. Kailanman hindi magiging ikaw. Gumawa ka man ng remake, ang nauna pa rin ang mas kikilalanin. Hindi ang sa iyo. Ang lungkot no?
Ibahin natin ang mga pangungusap: Ako ang gumawa ng 'id.' at ito ang pinasa ko. Ako ang nagsulat nito; nabuo mula sa mga ulap ng kaisipan ng utak ko ang konsepto nito. Totoo rin ito para sa "Ang Multo sa Disyertong Gobi" at "Rendezvous". Ako rin ang nagdirehe ng 'id.' gaya ng sa "Litel Mis Pilipings". Sa puntong ito, masasabi ko na ako nga ang nakagawa ng mga ito. Ito ang kinalabasan ng aking mga kapaguran. Akin ang mga ito. Walang makaaagaw sa akin ng mga karanasang ito. Hinding hindi mababago ito. Gawan man ng remake, kailanman hindi ito maaaring maangkin ninuman. Akin ang mga ito. Akin. Akin lamang. Pero ang tanong - masaya nga ba ako?
Alin kaya ang mas masarap sabihin? Alin ang mas magandang pag-isipan? Alin ang mas makabuluhan?

0 Comments:
Post a Comment
<< Home