Sunday, September 17, 2006
AFTERSHOCK
Muli, dadaanin ko sa isang impormal na paraan ang aking kwento. Bakit? Wala lang.

Puta lahat na ata ng uri ng balakid naharap ko na para lang sa pelikulang to! Hahaha. Kung di mo nasubaybayan kung anu-ano ang mga ito, heto, let me refresh your memory:

Una, sa mismong kwento. Ang kwento tungkol sa antithesis identity ng isang geek/nerd/loser ay hindi ang unang konsepto ko. Kung naaalala mo, ang dapat kong gagawin ay tungkol sa isang pintor na naghahanap ng kanyang perpektong subject, na sa kinalaunan ay pinatay ang sariling mentor at ginamit ang dugo nito upang gawin ang kanyang obra. Dahil sa ilang kahirapan at pagpuna, hindi natuloy ang huli kung kaya naisantabi ang "id (il dipinto/the painting)" at nabuhay ang "id."

Pangalawa, ang pangunahing aktor. Ang lalaking makikita niyo bilang Alex sa "id." ay hindi ang siyang orihinal na dapat gaganap. Dahil sa ilang mga kapalpakan at kasabugan sa mga unang araw ng shooting, nagkaroon ng ilang conflict na siyang naging dahilan ng pagkaantala. Sa kinalaunan, hindi na tumugma sa schedule ng naunang artista ang backup plan. Dahil dito, muntik na ngang mapullout ang pelikula. Nagkaroon pa nga ng pag-iisip na ang mismong direktor ang gaganap. Ngunit dahil sa isang milagro, isang araw bago ang nth shooting, dumating ang taong ngayo'y kinikilala nang Alex ng "id." Laki ng pasalamat ko sa taong yun, sobra (gayundin sa taong dapat gaganap, balang araw makakapagtrabaho rin kami).

Pangatlo, ang editing. Natapos na ang lahat, kulang na lang ay pagsama-samahin ang mga tagpi-tagping larawan upang mabuo ang pelikula. Parang kay dali na lang ngunit dahil sa mga di inaasahang pagkakataon, nagloko etong punyetang kompyuter. Sira pa ang CD burner. Buti na lang at may mabuting kaluluwa na nakapagpahiram sa akin ng kanyang kompyuter upang matapos ko na rin ang pelikula.

Heto tapos na nga. Sobrang saya ng pakiramdam ko. Bagamat di nasunod ang mga orihinal na plano, masayang masaya ako sa kinalabasan. Di ko nga lang maipakita kasi di pa ko kumakain ng kahit anong disenteng pagkain magmula kahapon. Wala rin akong tulog. Shit. Ang dami ko palang napagdaanan para lamang sa 13 minuto ng maikling pelikula na to. Isang tao lang ang 'mapasaya' ko, solb na ko. Isang tao lang.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

The Stranger

Kram has moved!
Graffiti


Trails

Detours
Ady
Ais
Alexis
Angela
Bea
CA
Chally
Cheenee
Cheska
Chevs
Cid
Dereck
Ella
Ginj
Inna
Jan
Joy
Joyce
Justin
Kenneth
Kram
Krayola
Melissa
Michelle
Migs
MM
Nikko
Patrick
Rana
Reena
Rey
RJ
Smither
Zyon

Sponsor


Google Search


Credits
Brushes
Image Host
Photo