THIEVING MAGPIE
Unang araw ng pagtutuos. Hindi pa rin ako tapos. Nagagawa ko pa ring ngumiti kahit mali-mali itong ginagawa ko. Nababaliw na nga siguro ako. Masyado na siguro akong nagagalak habang pinakikinggan ko itong Thieving Magpie. Ang pakiramdam ko, sobra kong galak na tipong mamaya may gagawin akong masaya tulad ng pag-iisip ni Alex de Large. Sana lamang hindi ang sarili ko ang mapatay ko sa ginagawa kong ito.
Nakikita ko ngayon ang kopya ko ng librong Specimen Days na selyado pa rin ng plastic. Wala lang. Gusto ko lang banggitin. Syempre. Pwede bang hindi ko maisingit si Virginia Woolf sa isang sulatin tungkol sa aking pagkabaliw? (Mensahe sa kritiko: Hindi nga si Virginia Woolf ang nagsulat ng libro kung hindi, si Michael Cunninghan na siya ring nagsulat ng The Hours. Ayan. Connect the dots!) Kailan kaya darating ang panahon na matatapos ko nang mabasa itong mga nakatambak na libro rito? Sa bagay, katangahan din naman kung bakit pa ko bumibili ng libro gayong ubod ko ng tamad magbasa.
Natutuwa talaga ako sa sinematograpiya ng pelikulang 2046 ni Wong Kar Wai. Wala lang uli. Ang lakas kasi ng dating - ang ilaw, usok, balat. Mahusay, napakahusay. Pero syempre wala pa ring tatalo sa itinuturing kong isa sa mga pinakamahusay na pelikulang nagawa - 2001: A Space Odyssey. Malamang. 1968. Tandaan. 1968. Kaya siguro nagkaroon ng mga usaping peke ang pagtapak nina Neil Armstrong sa buwan.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home