Saturday, August 12, 2006
NORMAL
Ilang oras na ang lumipas nang sabihin kong matutulog muna ako bago ko gawin ang mga dapat kong gawin. Ilang oras na rin ang nakalipas nang nagising ako mula sa aking pagtulog ngunit hanggang ngayon, wala pa rin akong ginagawang 'produktibo'. Sa ngayon, ako lang talaga ang kilala kong gago na nakagagawa nito - na sa kabila ng malapit nang pagkuha ng mahabang pagsusulit, pagpasa ng mga papel at pangangailangang mag-aral para sa isang napakademanding na asignatura, heto ako, nakatunganga, naghihintay ng isang taong katulad ko na kakausap sa akin. Sadyang ganito talaga ako. Hindi ko alam kung bakit. Sa usaping 'priorities' (kung kilala mo ko), alam mo naman na siguro kung ano ang tunay na mas matimbang at mahalaga sa akin. Iyon lang naman ang pinagtutuunan ko ng pansin ngayon, kahit mag-isa, gagawin, tatapusin - dito ako masaya eh. Siguro ito na nga ang paulit-ulit na binabanggit ng mga tao tungkol sa akin. Ang buhay nga naman... Hindi mo alam kung saan ka nito dadalhin, pero kaya ka nga may mga paa at sariling pag-iisip, para kahit paano, mamaneobra mo ang direksyon mo; tangayin ka man palayo, makababalik ka pa rin... Kung gugustuhin mo.

2 Comments:

Blogger tunay na pagibig said...

okay lang yan pare. basta masaya ka sa ginagawa mo. hahaha. nauulol na naman ako.

5:28 AM  
Blogger wongkarboi said...

I am happy. Hahaha...

5:48 AM  

Post a Comment

<< Home

The Stranger

Kram has moved!
Graffiti


Trails

Detours
Ady
Ais
Alexis
Angela
Bea
CA
Chally
Cheenee
Cheska
Chevs
Cid
Dereck
Ella
Ginj
Inna
Jan
Joy
Joyce
Justin
Kenneth
Kram
Krayola
Melissa
Michelle
Migs
MM
Nikko
Patrick
Rana
Reena
Rey
RJ
Smither
Zyon

Sponsor


Google Search


Credits
Brushes
Image Host
Photo