Wednesday, August 09, 2006
MASAYA
Masaya ako sapagkat alam kong may kakayanan akong gawin ang anumang gusto kong gawin. Masaya ako sa kabila ng lahat ng kapalpakang nangyayari sa aking palagid; na kahit tila napakababa na minsan ng pagtingin ko sa sarili ko, alam kong kaya kong lagpasan ang lahat ng mga sagabal na ito at balang araw ako naman ang nakatayo nang tuwid at taas-noo. Masaya ako sapagkat nakikilala ko ang mga tunay na taong maaasahan ko at mapagkakatiwalaan ko; sa kabila ng sistema ng gamitang nangyayari sa ganitong klase ng buhay, kilala ko pa rin ang mga taong hindi ako iiwan at magiging kaibigan ko habambuhay. Masaya ako sapagkat alam kong may liwanag - hindi na kaila ang katotohanang ito. Masaya ako sapagkat nalulubos ko ang bawat segundo. Alam kong may hangganan ang kaligayahang ito, pero hindi ko muna iintindihin iyon. Basta ang alam ko, masaya ako. Iyon lang naman ang mahalaga - ang maging masaya.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

The Stranger

Kram has moved!
Graffiti


Trails

Detours
Ady
Ais
Alexis
Angela
Bea
CA
Chally
Cheenee
Cheska
Chevs
Cid
Dereck
Ella
Ginj
Inna
Jan
Joy
Joyce
Justin
Kenneth
Kram
Krayola
Melissa
Michelle
Migs
MM
Nikko
Patrick
Rana
Reena
Rey
RJ
Smither
Zyon

Sponsor


Google Search


Credits
Brushes
Image Host
Photo