Thursday, August 10, 2006
IS THE BRIDGE FALLING DOWN?
Ang mensaheng ito ay mula lamang sa isang (o isa mga maraming) concerned na mamamayang naabala ng isang proyektong isinasagawa. (Kung dumadaan ka sa Marcos Bridge, alam mo na kung tungkol saan ito.)

Noon, kapag umuuwi ako mula sa Aurora/Katipunan patungo sa aking tinitirahang subdibisyon bago magMasinag, pagkasakay ko, inaabot lamang ako ng (kasing bilis ng) 10 hanggang 30 oras, depende sa trapik para makarating. Ngunit dahil sa malaking sagabal na 'pag-aayos' sa tulay sa Marcos Highway, inaabot ako minsan lagpas pa ng isang oras para lamang makauwi. Kapag minalas, wala pa akong masakyan sapagkat ayaw dumaan ng mga drayber sa may Katipunan dahil alam nila, doon pa lang, baradong-barado na ang daanan.

Hindi ko alam kung gaano kahalagang kutingtingin ang tulay na nabanggit ngayon at kailangang magdusa ang mga katulad kong naaantala ng ganitong sitwasyon. Siguro naman alam nilang may pasok hindi ba? Bakit naman po kasi kailangan ngayon galawin yan?

Hindi rin naman kaila sa akin ang bagong remedyong naisip nila sa kasalukuyan - ang pagkakaroon ng counterflow sa kabilang kalsada tuwing gabi (kung saan walang bahaging ginagawa). Ngunit hindi kaya nila napansin na sa ganitong pamamaraan, yung kabila naman ang naaapektuhan? Nasa tapat ka palang ata ng Mariposa, hindi na gumagalaw ang mga sasakyan sa sobrang trapik. Sana lamang huwag nilang gawin ito tuwing umaga, kung hindi, baka ang pagbiyahe ko ng humigit-kumulang 30 minuto ay umabot na ng dalawang oras.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin mapagtanto kung bakit kailangan gawin ngayon ito. Isa pa sigurong halimbawa (ngunit hindi kasing lala ng nauna) ay ang kalsadang dinadaanan ng mga tricycle sa tabi ng Mini Stop Katipunan. Tuwing nakaupo ako sa likod ng drayber at dumadaan kami sa tabi ng ginagawang kalsada, pakiramdam ko mahuhulog na lamang ako sa putikan (huwag naman sana) sa kitid ng daan. Sana lamang, gawin nilang basehan ito sa mga susunod pa nilang proyekto. Wala naman akong reklamo sa pagpapaayos nila, ang sa akin lang, mali ang panahon at maraming naaabala.

2 Comments:

Blogger tunay na pagibig said...

ulol talaga ang mga construction pero hayaan mo na lang kasi baka magcollapse yan kapag kasama mo si ...

12:46 AM  
Blogger wongkarboi said...

Hahaha... Hassole! Hahaha!

6:22 AM  

Post a Comment

<< Home

The Stranger

Kram has moved!
Graffiti


Trails

Detours
Ady
Ais
Alexis
Angela
Bea
CA
Chally
Cheenee
Cheska
Chevs
Cid
Dereck
Ella
Ginj
Inna
Jan
Joy
Joyce
Justin
Kenneth
Kram
Krayola
Melissa
Michelle
Migs
MM
Nikko
Patrick
Rana
Reena
Rey
RJ
Smither
Zyon

Sponsor


Google Search


Credits
Brushes
Image Host
Photo