FORGOTTEN LORE
Sa wakas! Natapos ko na rin ang kauna-unahang screenplay na siyang gagamitin ko sa unang maikling pelikula kung saan ako ang bumuo ng konsepto at siyang magdidirehe. Isa na naman ito sa mga munting pangarap kong unti-unting natutupad. Dito masusubukan kung may kakayahan talaga ako sa paggawa ng pelikula. Pano ba naman, bawal daw ang nudity kaya kinailangan kong ihayag ang ilang mga eksena sa pamamagitan ng paggamit ng mga simbolo o paghuhudyat ng mga dobleng kahulugan. Kung magagawa ko lang sana to ayon sa aking unang konsepto at kung may makukuha lamang akong babaeng handang ibigay ang lahat alang-alang sa sining (hahaha) siguro iba ang naging timpla nito. Pero heto na. Nagawa ko na. Sana lamang, magawa ko ito ng tama. Kahit isang tao lang ang 'magandahan' (mas angkop ata ang magustuhan) ang pelikulang ito, masaya na ako. Peksman. Isa lang - parang ang dali pero mahirap, mahirap tanawin.
2 Comments:
panalo!pabasa na lang!
Sige, pag di ka nakanood... Hehe... Ayoko munang ipabasa sa ibang tao eh. Hehe...
Post a Comment
<< Home