Thursday, August 10, 2006
DUGO
Marahil alam na ng mga nakabasa ng AMDG na isa akong weirdo magsulat - kakaibang uri ng pagkamatay, may karahasang pumapangibabaw. Sa simpleng salita - malabo. Siguro hindi ka na maninibago pag nalaman mo ang kuwentong pilit kong binubuo ngayon (sa tulong na rin ng isang kaibigan) ay siyang higit pang mas weirdo sa naunang nabanggit na kuwento. Hindi ko alam kung bakit, pero iyon talaga ang pumapangibabaw na kaisipan at pakiramdam sa akin ngayon - ang paghahampas sa isang kaawa-awang nilalang, ang pagpupumiglas, ang pagtagas ng dugo. Hindi ko ginagamit ang ganitong klaseng estilo sapagkat isinusulong ko ang karahasan. Para sa akin, ito lamang ang pinakaepektibong pamamaraan kung saan ko maipahahayag ang aking mga iniisip at nararamdaman sa kasalukuyan. Hindi rin ako magtataka kung magkamali ng pagbasa ang ilang mga karaniwang manonood (lalo na yaong mga babad sa pelikulang komersyal). Hindi ba't ang A Clockwork Orange ni Stanley Kubrick ay hindi rin gaano naunawaan ng mga manonood noong panahong ito'y ipinalabas? Maintindihan man o malabuan, magustuhan o langawin, masaya na kong makagagawa ako ng isang pelikula na ramdam ang boses ko.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

The Stranger

Kram has moved!
Graffiti


Trails

Detours
Ady
Ais
Alexis
Angela
Bea
CA
Chally
Cheenee
Cheska
Chevs
Cid
Dereck
Ella
Ginj
Inna
Jan
Joy
Joyce
Justin
Kenneth
Kram
Krayola
Melissa
Michelle
Migs
MM
Nikko
Patrick
Rana
Reena
Rey
RJ
Smither
Zyon

Sponsor


Google Search


Credits
Brushes
Image Host
Photo