UNLIMITEXT, UNLIMISEX
Isa sa mga bagay na pareho kong pinasasalamatan at kinaiinisan ay ang promo ng telecom industry na unlimited texting. Hindi kaila na isa itong mahusay at sulit na promo sapagkat nalulubos ng mga subscribers ang bawat pisong kanilang ibinabayad. Ngunit sa kabilang dako naman, dahil sa ang pagtext ngayon ay parang libre na sa puntong pwede mong tadtarin ang isang tao ng ilang text messages minu-minuto, tila lalong nawawalan ng halaga ang bawat mensaheng ipinadadala.
Una sa listahan ko ng mga halimbawa ang mga text quotes na ipinadadala sa akin ng mga tao. Sa una, tila nakatataba ng puso kapag nagkakaroon ng paraan ang mga kaibigan mo upang ipamalas sa iyo ang kanilang pakiramdam, ngunit dahil sa unlimited texting, gaano ka kasigurado na 'totoo' ang mensaheng iyon? Gaano ka nakasisiguro na hindi lamang ito isang paraan upang sabihin ng nagsend sa iyo ng mensahe na padalhan mo rin siya ng ganoong klaseng mensahe? O mas malala, ano ang mararamdaman mo kung sobrang natouch ka sa mensahe niya, at maya-maya malalaman mo na lamang na 'send-to-all' pala iyon?
Isa pa sa kinaiinisan ko ngayon sa larangan ng text messaging ay ang mga walang kamatayan, nuknukan ng pagkakorni at desperado kung desperadong magpapansin na mga 'text joke' (kung matatawag mo ngang 'joke' ang mga iyan) Hindi ko makakaila na mayroon talagang mga 'text joke' na nakatatawa. Sa totoo lamang, depende naman yan sa panlasa mo sa pagtawa (o kababawan) ngunit mayroon talagang mga 'text joke' na nakakapikon na. Ayos lamang naman kapag isa lamang iyon o kahit dalawa, ngunit kapag tinadtad ka ng sampu hanggang dalawampung magkaparehang punto na mga 'text joke' mula sa isang tao, at maya-maya matatanggap mo na naman ang pare-parehong mensahe mula sa ibang tao, hindi ka kaya mabaliw at umabot pa sa puntong papatayin mo na ang cellphone mo o kaya naman, gusto mo na itong itapon? Minsan tuloy, tuwing tumutunog ang aking cellphone, bilang hudyat na may natanggap akong text message, nabubura ko kaagad ang mensahe lalo na kapag alam kong ang taong iyon ay ang laging nagpapadala ng mga walang kamatayang 'text jokes'.
Hindi ako laban sa pakulo na ito ng mga telecom companies. Malaki ang pasasalamat ko sapagkat dahil sa unlimited texting, nakapagpapadala ako ng anunsyo sa maraming tao sa mas mababang halaga kumpara sa regular texting. Ang pakiusap ko lamang, hindi sa huwag abusuhin ang promo na ito, datapwat gamitin lamang ito nang tama, hindi sa puntong nagpapapansin lamang o nambwibwisit ng tao. Sa panahon ngayon, marami nang mga salita ang nawawalan ng kahulugan. Huwag naman nating hayaang pati ang isang pamamaraan ng pakikipagtalastasan ang mismong mawalan ng kabuluhan.

3 Comments:
walang kwenta ang unlimitxt dahil wala ring nagttxt sa akin kundi mga malalaswang mga mensahe at ang mga korni na joke...hahahaha
Alam mo pikon na talaga ko sa pagbarrage sa kin ng mga punyetang text na yan eh! Hahaha
okay lang yan pare. wag ka na lang kayang magcellphone??haha
Post a Comment
<< Home