PUWERSA
Ngayon ko lamang muling naramdaman ang pakiramdam na tila halos lahat ng mga katanungan ko ay unti-unti nang nasasagot. Mula sa isang madilim na bahagi sa gitna ng intersection na nagdurugtong sa apat na kalsada, unti-unti nang nagkakaroon ng ilaw ang daan patungo sa aking nais patunguhan. Yun nga lang, kasabay ng mga poste ng ilaw na siyang lumitaw upang gabayan ako sa aking paglalakbay, ang pagsulpot din ng mga balakid at mga lubak sa daan na kailangang malagpasan ko muna bago ako makarating sa aking destinasyon.
Bagaman maaaring flat ang gulong ng aking sasakyan, hindi maikakaila na mayroon pa ring paraan upang makarating sa patunguhan. Buong tapang kong sasabihin na wala na akong kahit anong pagsisisi sa anumang desisyong nagawa ko. Nandito na ko, alam ko na ang direksyong tatahikin ko. Bago pa man pumalpak ang lahat, puwede pang magtulak. Ang puwersa ay kontrolado ng utak. Hindi ito isang pagsubok kung kaya mo o hindi. Datapwat isa itong pagtataya kung gaano mo ito kagusto at kung gaano kalaki ang kakayanin mong ibigay.
Narito na ako. Totoo, mahaba-haba pa ang paglalakbay ngunit sinisiguro ko, walang pagtalikod ang mangyayari. Kung kinakailangan kong ibigay ang lahat, maliban sa mga bagay na mahalaga sa progreso ng aking paglalakbay, gagawin ko ito, marating ko lamang ang aking destinasyon.
Nakaukit man sa mga tala o hindi, sinisiguro ko, mag-isa man o hindi, darating ako.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home