PAG-ASA
Nakatutuwang isipin na parami nang parami na ang mga nakikilala kong katulad ko na mahilig sa mga lumang pelikula. Akala ko pa naman, hindi na ko makakikilala pa ng mga ganitong taong bukas sa mga ganitong uri ng pelikula sapagkat lagi na lamang nagtataka ang mga tao tuwing nalalaman nilang nanonood ako ng mga pelikulang higit pa sa edad ko (kahit edad ng magulang ko) ang tanda. Ngunit ano nga ba naman ang kataka-taka sa gawaing ito? Hindi ba't ang mga pelikulang ito ang siyang mga bumubuo sa ginintuang panahon ng pelikula? Palibhasa ngayon ay mas pinahahalagahan na lamang ang entertainment value, alinsunod sa tunay na kagandahan ng pelikula. Ano na nga bang nangyayari sa panlasa ng mga tao ngayon na tila napakapangit ng mga bagay na itinuturing na pinakamahusay? Nawa'y dumami pa ang mga makilala kong bukas sa ganitong uri ng pag-iisip. Nawa'y muling maibalik ang dating pagtanggap ng tao sa pelikula. Sapagkat kahit anong ganda man ang mailabas na pelikula (kahit sabihin nating minsan na lamang; tuwing nangingitlog ang mga baboy), mahalaga pa rin ang pagtanggap ng madla tungo sa inaasam na pagbabago.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home