BULKAN BA'TO?
Matagal nang tinabunan ng ilang toneladang lupa;
Binasa ng tone-tonelada't balde-baldeng ulan;
Unti-unting kumukulo sa ilalim ng mundo -
Sisirit na mula sa naiwang maliit na butas.
Buong akala matagal nang namayapa;
Di kailanmang muli magpaparamdam.
Nang dahil sa puwersang di mapigilan,
Heto na maghihiganti't magbabalik.
Anong siyang naghudyat?
May alam sino ba?
Basta alam ko
Parating na.
Sabog.
Talsik.
Sirit.
S
Binasa ng tone-tonelada't balde-baldeng ulan;
Unti-unting kumukulo sa ilalim ng mundo -
Sisirit na mula sa naiwang maliit na butas.
Buong akala matagal nang namayapa;
Di kailanmang muli magpaparamdam.
Nang dahil sa puwersang di mapigilan,
Heto na maghihiganti't magbabalik.
Anong siyang naghudyat?
May alam sino ba?
Basta alam ko
Parating na.
Sabog.
Talsik.
Sirit.
S
1 Comments:
Galing ng poem, ha. Kaso bakit baliktad? Hehe.
Post a Comment
<< Home