Sunday, December 18, 2005
SHAMPOO
Sa loob ng isang pagupitan. Makikita natin si Stevo na siyang magpapagupit. Sa dahilang puno ang lugar, pinaupo muna si Stevo sa tabi. Tatawagin siya maya-maya, senyales na gugupitan na siya. Di nagtagal, may isang mala-mama na dumating.

Joe: (Gamit ang boses na tila binabae) Sir, shampoo po.

Tatayo si Stevo mula sa kanyang inuupuan at susundan si Joe. Uupo sa upuan. Maya-maya, isasandal ang leeg...

Joe: (May hawak na twalya. Dahan dahang itutulak papalayo ang ulo ni Stevo) Sandali lang po.

Stevo: (Nagulat) Ay sorry...

Ilalagay ni Joe ang twalya sa may balikat ni Stevo.

Joe: Sir pwede na po.

Isasandal ni Stevo ang leeg habang kukuha naman ng shampoo si Joe. Ipapahid sa buhok ni Stevo. Biglang nagvibrate ang cellphone ni Stevo. Kukunin ito gamit ang kaliwang kamay. Titignan kung sino ang tumatawag. Biglang mapaaangat ang ulo. Hihilahin ni Joe. Biglang mapipindot ang "reject".

Stevo: (Mapabubulong ng shet) Ay... Sorry.

Ipagpapatuloy. Muling nagvibrate ang cellphone. Muling kukunin ni Stevo. Mapaaangat muli ang ulo upang basahin. Bigla ito muling hihilahin pabalik ni Joe.

Stevo: (Nakangisi) Ay... Sorry.

Pagkatapos lagyan ng shampoo, babanlawan ni Joe ang buhok ni Stevo. Biglang aangat ang ulo ni Stevo upang itext ang nabagsakan ng tawag. Ngunit hihilahin muli ni Joe ang ulo.

Joe: (Tila naiinis ang tono) Sandali lang po.

Stevo: (Ibabalik ang cellphone sa bulsa) Ay. Sorry.

Pagkatapos punasan ni Joe ang buhok ni Stevo.

Joe: Sir pwede na po.

Aalis si Joe. Babalik si Stevo sa kinauupuan. Gugupitan ng barbero. Pagkatapos gupitan, babalik si Joe.

Joe: (Medyo mabilis ang paglakad, biglang titigil sa tapat ni Stevo) Excuse me sir, rinse lang natin.

Stevo: (Natatawa) Okay...

Uupo muli si Stevo sa upuan sa may lababo. Isasandal ang ulo sa may lababo. Lalagyan muli ng shampoo. Mamasahihin ang bumbunan ni Stevo. Babanlawan. Iaangat ni Stevo ang ulo.

Joe: (Tila nawalan ng pasensya. Nilagay ang twalya sa ulo ni Stevo at hinila) Sandali lang po.

Stevo: (Mapangingisi) Sorry...

Pupunasan ni Joe ang buhok ni Stevo.

Joe: Sir okay na po.

Stevo: Okay. Salamat. (Mapangingisi. Babalik sa upuan.)

Joe: Sir okay na po.

Stevo: Okay. Salamat. (Tatayo. Pupunta sa cashier. Babayaran ang paggupit. Kukunin ang sukli. Kukuha ng sobre. Maglalagay ng tip - beinte pesos. Isusulat sa labas ang pangalan ni Jon. Tatawa. Ihuhulog.)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

The Stranger

Kram has moved!
Graffiti


Trails

Detours
Ady
Ais
Alexis
Angela
Bea
CA
Chally
Cheenee
Cheska
Chevs
Cid
Dereck
Ella
Ginj
Inna
Jan
Joy
Joyce
Justin
Kenneth
Kram
Krayola
Melissa
Michelle
Migs
MM
Nikko
Patrick
Rana
Reena
Rey
RJ
Smither
Zyon

Sponsor


Google Search


Credits
Brushes
Image Host
Photo