ANG MULTO SA DISYERTONG GOBI
Fade in: Isang tropeo. Zoom sa ulo hanggang sa bahaging may kalawang. Palaki nang palaki ang kalawang hanggang maging isang disyerto. Musika – The Sound of Silence
A M D G
A M D G
Isang tuldok na gumagalaw
A Multo D G
Isang lalaking naglalakad
Ang Multo D G
Flash ng camera
Ang Multo sa Disyertong Gobi
Cut to: Dark room. Iba’t-ibang letrato ng tao, lugar at pangyayari.
Adolfo
Nagdedevelop ng larawan. Minsan may nagsabi na ang pagkuha raw ng larawan ay isang pamamaraan ng pageembalsamo ng mga nabubuhay. Iniangat ang larawan ng isang bata mula sa isang batya ng kemikal. Para sa kin, ang pagkuha ko ng mga letrato ay ang paghuli ng katotohanan. Isinipit ang larawan sa isang sampayan. Bata pa lang ako, gusto ko nang maging isang photographer. Mahilig akong kumuha ng larawan ng mga tao, ng mga aso, kahit yung mga pulubi sa kalsada. Minsan nga’y nakakuha pa ko ng letrato ng isang babaeng nakahubad! Tatawa. Kaso di sang-ayon ang mga magulang ko. Wala raw pera rito. Wala raw akong mapupulot. Masasayang lang daw ang utak ko. Kahit anong sabi nila, pinagpatuloy ko pa rin ito dahil ito ang “passion” ko. Natapon ang lamang kemikal ng batya na kulay dugo.

Cut to: Disyertong Gobi. Hapon. Mataas pa ang araw. May isang buwitre na lumilipad sa kalangitan.
Adolfo
Naglalakad sa disyerto. Isa sa pinapangarap kong makunan ay ang isang disyerto. Nabibighani ako kapag nakakakita ako ng mga larawan ng mga buhanging hinubog ng hangin at araw, malayo sa sibilisasyon, mapayapa. Naalala ko tuloy ang pelikulang Lawrence of Arabia. Larawan ni Peter O’Tool na nakabihis Lawrence of Arabia. Idol ko yung gumawa nun, si Sir David Lean. Larawan ni David Lean na may hawak ng revolving camera. Napakahusay! Larawan ng tropeyo ni David Lean sa Oscars – Best Picture. Buti na lang at nanalo ako sa isang patimpalak ng mga letrato. Kaya andito ako ngayon sa Gobi kasama ang aking pinakamamahal na Nikon. Balang araw mananalo rin ako sa isang prestihiyosong patimpalak. Alam ko namang kaya ko. Ito ang “passion” ko eh.

Isang bata. Maitim. Gusgusin. Nakahilata sa buhangin. Gumagalaw ng kaunti.
Adolfo
Nakatayo sa isang malaburol na lugar sa disyerto. Nakatanaw sa malayo. Ano kayang makikita ko sa paraisong ito?
Heng
Gumagapang sa buhangin. May ibinatong bagay nakulay puti. Tubiiig!

Cut to: Isang baryo. Kinamaumagahan. Tilaok ng manok.
Heng
Naglalakad papunta sa isang kubo. Bitbit ang isang timba ng tubig. Nay, heto na po ang tubig. Papasok na po ako. Malapit na pong magsimula ang klase ko.

Sa loob ng isang silid. Ang nanay ay nakatayo malapit sa papag. Inaalagaan ang sanggol. Dumungaw si Heng upang sulyapan ang ina.
Nanay
Anak, kung maaari’y wag ka munang pumasok ngayon. May sakit ang kapatid mo. Kailangan niya ng gamot. Kailangan niya ng bawang mula sa disyerto.
Heng
Natigilan. O… O… Opo inay.
Anak, kung maaari’y wag ka munang pumasok ngayon. May sakit ang kapatid mo. Kailangan niya ng gamot. Kailangan niya ng bawang mula sa disyerto.
Heng
Natigilan. O… O… Opo inay.
Cut to: Disyertong Gobi. Hapon. Mataas pa ang araw. May isang buwitre na lumilipad sa kalangitan.
Adolfo
Naglalakad. Nakakapagod. Nakakauhaw. Iinom. Maglalakad muli. May makikitang libro sa paanan. Libro. Naaalala ko tuloy noong ako’y nag-aaral pa. Larawan ng isang kilalang unibersidad. Noong Management pa ang kinukuha ko. Larawan ng isang gimik. Kayraming libro. Larawan ng mga bote ng alak. Kayraming dapat basahin. Larawan ng mga nagsisiinuman. Sakit sa ulo. Larawan ng isang lasing. Tumatango habang tumatawa. Pagkalipas ng ilang Segundo, mapapansin ang mga bakas ng paa.

Sa di kalayuan…
Heng
Nakahilata. Nakatitig sa isang cactus. Liban na naman sa eskuwela. Larawan ng klase. Ano kaya ang leksiyon sa araw na ito? Larawan ng guro habang nagututuro ng Math - fractions. Kailangan ko na namang maghabol. Larawan ng kanyang bag na nakatiwangwang. Ang init. Magpupunas ng ulo. Anong oras na kaya? Nakahawak sa kumakalab na tiyan. Nagugutom na ako…

Kalangitan. Maliwanag ang araw. Isang buwitre ang lumilipad pababa mula sa bundok.
Adolfo
Nakatitig sa mga bakas. Bakas ng paa. Di ako nag-iisa. Susundan ang mga bakas ng talampakan. Tatakbo. Larawan ni Forrest Gump na tumatakbo.

Mabilis at matalim na paglipad ng buwitre.
Adolfo
Matitigilan. Makikita ang isang batang gusgusing nakahilata sa buhangin at nakataas isang kamay nito. Manlalaki ang mga mata at dali-daling kukunin ang camera.

Flash ng camera. Tatalsik ang camera. Dinakma ng buwitre si Adolfo. Kinakain ang kamay nito. Aaaaah!!!
Heng
Tatayo mula sa buhangin. Mapula ang mga mata. Titingin kay Adolfo. Hahalakhak. Hahaha! Lumuluha ng dugo. Ituturo ang kamay kay Adolfo.

Flash ng camera.
Cut to: Isang kwarto. Madilim. Nakaon ang TV.
Cut to: Isang kwarto. Madilim. Nakaon ang TV.
Adolfo
Biglang babangon. Pawisan. Wag mo kong kakainin! Waaah! Umiiyak. Bangungot… Bangungot lamang! Titignan ang tropeo sa kanyang tabi. Tititigan ang nakaukit niyang pangalan. Babalik sa isipan ang batang duguang mata. Maiisip ang buwitreng lumalamon sa kanyang laman. Bakit ba di ko man lang siya tinulungan?! Bakit hinayaan ko lang siyang nakatihaya sa buhangin, nauuhaw, nagugutom, nagdurusa… Habang ako, ako na walang ginawa sa buhay ko! Pera! Puri! Ipinagpalit ko ang buhay ng isang bata para rito. Tinalikuran ko ang aking passion para sa demonyo. Wala nang saysay ang buhay ko! Nakatitig sa librong napulot sa disyerto. Nakasulat ang pangalang Heng sa takip nito. Sigaw ng buwitre. Maglalakad patungo sa aparador. Ilalabas ang camera at tripod at inayos ang mga ito na nakatapat sa kanyang kama. Pagkaraa’y pumasok sa dark room. Kinuha ang lahat ng kanyang larawan at ang mga kemikal. Pumwesto sa kanyang kama at hinalikan ang krus na nasa lamesa. Nagrerecord na si Nikon. Pinunit ang mga letrato. Kanyang kinain ang mga pira-pirasong larawan at ininom ang mga kemikal.

Flash ng camera. Larawan ni Heng na duguan ang bibig. Musika – Scarborough Fair
WAKAS
3 Comments:
This is my project for my Fil 11 class. Comments are highly appreciated. :)
Kinda funny at first (given the title) and the initial imagery. Then the AMDG (how coincidental??) haha. Then the film industry and the student, then the buwitre, and then the suicide... i cannot find the right words to describe my understanding hehe ... basta. the imagery is powerful and it's as though it's a script that doesn't need to be produced into a short film
It's my Dr. Strangelove for the film/television industry. Buti naman at nadetect ang satirical concept... Ang hirap pantayin. I kinda thought I overdid the ending. Dapat nga may credits pa yan sa beginning pero maooverdecorate. So there. Thanks for the comment!
Post a Comment
<< Home