FASCINATION
Unang Eksena
Dramatikong Pagtatagpo: Sa loob ng klasrum. Kakatapos lamang ng klase. Ang guro ay nagaayos ng gamit habang ang estudyante ay napadaan.
Kram: Noong isang taon ko pa lang po napanood yun.
Professor Familiar: Ang tagal na noong huli kong napanood yan. Mga 20 years ago na ata.
Kram: Gusto niyo pong hiramin?
(Sabay alok ng kanang kamay na siyang may hawak ng dibidi. Ngunit tatanggihan ito ng propesor)
Professor Familiar: Gusto kong hiramin pero di ngayon. Sino bang may-ari nyan?
Kram: Ako po.
Professor Familiar: Kapag maluwag na ako, hihiramin ko sa iyo yan.
(Tatango ang estudyante habang papalakad patungo sa pinto ang propesor. Bigla itong mapapalingon sa estudyante.)
Professor Familiar: Bat meron ka nyan?
Kram: Wala lang po. Mahilig po ako sa mga ganito.
(Binubuksan ng propesor ang pinto)
Professor Familiar: Ah… Mahilig ka sa pelikula.
(Sabay talikod at alis ng propesor)
Ikalawang Eksena
Dramatikong Pagtatagpo: Sa loob ng isang tindahan sa mall. Nagbabayad ang binata sa kahera. Mapapansin ang mag-asawang naroon din sa tabi. Nilapag ang dibidi.
Mr. Stranger: Wow… A Clockwork Orange. That’s one of (pangalan)’s 100 greatest films of all time. Napanood mo na yan?
(Nakatingin ang mister sa misis nito)
Mrs. Stranger: Ayoko ng mga ganyan.
Mr. Stranger: Stanley Kubrick film yan!
Mrs. Stranger: Ayoko ng mga ganyan. Masyadong weird.
(Napatingin ang binata sa mister at nakangiti. Titingin din ang mister)
Mr. Stranger: Pasensya ka na sa asawa ko ha.
Kram: Okay lang po.
(Magtatawanan ng kaunti)
Mr. Stranger: Hahaha!
(Nakangiti ang binata habang kinuha ang sukli sabay alis)

0 Comments:
Post a Comment
<< Home