Tuesday, August 02, 2005
ROOTS
With the beginning of a brand new month and with it being our National Language Month, I had decided to open brand new doors to a medium and form I have been neglecting for the past few years – Filipino and poetry. Hereon I shall be posting original compositions of Filipino poetry which I have compiled through my day to day observations and experiences. Without further ado, I present to you my magnum opus.


Epex

I.
“Mama! San na’ng aking sukli?”
Wika ng isang mamang ngipi’y sungki.
Ang iyang klaseng pag-uugali
Maaasahan ba sa isang lalaking de-puti?
Sa galit pahabol ni kalbo, “Di ko po sinasadyang ikubli;
Iyo na ang kakarampot lamang ninyong sukli!”

Marahil bago lang ay wala pang alam,
Destinasyon at halaga na kanyang kinakamkam.
Impormasyon sa pasahe laging hinihiram
Pasahero niya’y ginagawang tagapagpaalam
Ng simpleng mga bagay sa kanya’y nagbibigay ulam.
Buti na lang ang tiya’y di pa kumakalam.

Pagbayad ng pasahero, “Mama! Sa Filinvest lang po.”
“Ayan ho Filinvest.” Maya-maya’y wika ni kalbo.
Ngunit di ba’t di pa Filinvest ito?
Sa tunay na destinasyon ay may nagpahinto,
“Mama! Sa Filinvest lang po!”
“Teka, Filinvest na nga ba ito”, wika sa sarili sabay kamot sa ulo.

II.
Pagdating sa gasolinahan, “Wanhandred terti diesel iho.”
Paglipas ng ilang sandali, “Di mo ba narinig ang sabi ko?
Bat biglang naging dalawandaan ang metro?”
Di ko yan babayaran gago!
Malinaw na malinaw ang aking samo
Bawasan mo yan o bayaran mo!”

Di yata ito ang unang sigalutan sa gasolinahan.
Minsa’y may isang tinderong nagulumihanan.
Nagbayad na ang kalbong mama ngunit kinalimutan.
Nang muling singilin ito’y pinandilatan.
“Ano yang sinasabi mong kalokohan?
Tarantado ka pala nagbayad na ko di mo man lang namalayan!”

Parang noong isang beses siya naman ang salarin –
Nagbayad na ang isang binata na patpatin,
Ngunit nakalimutan ni kalbo’t naisipan muling singilin,
“Wag mo kong lolokohin
Di ka pa nagbabayad bata! Wag mo kong ismolin!”
Takot na bata’y nagbayad muli nang pangala’y linisin.

III.
Ang alita’y mahirap nga naman pigilan.
Lalo na kay drayber at iho sa gasulinahan,
Kundi si kalbo’t pasahero naman.
Bagamat di naman ito palagian
Kung sino pa ang dapat nagtutulungan
Kahit mababaw na dahila’y pinagbabangayan.

Mahirap kung sariling intension ang laging isip.
Minsa’y may isang pasaherong napapaidlip
Wika kay kalbo, “Sa Aurora po ba patungo ang dyip?”
“Oo” sagot naman ng drayber sabay silip.
Maya-maya’y minaniobra paalis sa kalsadang masikip,
Pinalitan ng P. Tuazon ang kariton sa kanyang pagkainip.

Kawawang bata, kung di pinalita’y sana’y sa klase’y di nahuli.
Ano nga ba ang aking ginagawa’t di pa ako nag-aatubili?
Tama na ang pagsisisi sa epex na bagamat nakakainis ay kawili-wili
Kayrami na nitong aking napulot sa ating pintakasi
Talagang mahuhuli na ako sa aking klase
Ngunit teka, di ba’t kanina nagsimula ang pag-aaral sa loob ng malaking taksi?


As you notice, this is a simple observation of my day to day experience as I journey for school. Simple as it may seem, but I truly believe a line by Rizal’s fictional character from Noli Me Tangere, Pilosopong Tasyo that goes something like, “Nagsusulat ako hindi para sa kasalukuyan… Nagsusulat ako nang sa gayon balang araw ay mabasa ito ng mga kabataan sa bagong henerasyon at malaman nila kung ano ang ating mga pinagdaraanan at maiwasto nila ang nararapat para sa kinabukasan ng bayan.” The epex may indeed symbolize our beloved country. I would not elaborate on that. It’s for you to find on your own. It’s not that hard to analyze when you think of it. Just pretend you’re riding in an FX, your mind sailing adrift and then you’ll realize you’ve reached “your destination”.

1 Comments:

Blogger Tourism Cebu - See You in Cebu! said...

bravo bravo...splendid piece of literature! hands down, i kneel down, hail thee, glorious poem! super good ang pagkasulat.. perfectly structured and the stream of events and ideas is flouos. i wish i could write filipino poems as good as this hehehe

6:24 AM  

Post a Comment

<< Home

The Stranger

Kram has moved!
Graffiti


Trails

Detours
Ady
Ais
Alexis
Angela
Bea
CA
Chally
Cheenee
Cheska
Chevs
Cid
Dereck
Ella
Ginj
Inna
Jan
Joy
Joyce
Justin
Kenneth
Kram
Krayola
Melissa
Michelle
Migs
MM
Nikko
Patrick
Rana
Reena
Rey
RJ
Smither
Zyon

Sponsor


Google Search


Credits
Brushes
Image Host
Photo