Thursday, August 04, 2005
FORGOTTEN
In many of the popular songs, there is this one line that truly strikes me most – “You don’t know what you got ‘til it’s gone…” I’ve heard it often, may the songs be of Usher or Janet, different in words but still of the same context. Do you believe in it? While you’re still pondering, let me share to you this simple creation I wrote through sudden bursts of my emotions.


Porindyer

I.
Ang buhay nga nama’y sadyang mapaglaro;
Kung sino pang katutubo’y siyang namamaltrato,
Kung sino pang dayuha’y siyang nilalagay sa trono.
Dali! Ito! Basahin ang aking kwento.

May isang katutubo, ngalan niya’y Teban,
Matagal na siyang naninirahan dito sa bayan.
Kagalang galang dito ang kanyang ngalan.
Ngunit bakit sa pakikitungo sa kanya’y walang katibayan?

Umayos ang bayan dahil sa dami ng kanyang naitulong;
Marahil ay ubod ng dami talaga ng kanyang dunong.
Halos lahat na nang maaari ay kanyang naisulong,
Ngunit bakit ang pagtanggap ng tao’y di pa rin umuusbong?

Inisip ng binata kung ano ang kulang sa kanya;
Lumaganap ang bayan sa kanyang biyaya,
Wala naman siyang natatandaang kanyang nakutya,
Ngunit bakit ang turing sa kanya’y para lamang dikya?

Dumating ang panahong kailangan na niyang umalis,
Ipinagdasal ang nakaraa’y sana’y mawalis.
Di na niya kailanmang gusto muling maghinagpis,
Na ang turing sa kanya ay para lamang ipis.

Nang makilala ang mga bagong kahalobilo,
Inakala ni Teban lahat ay magbabago.
Ngunit sa kasawiang palad siya’y nabigo,
Para na naman siyang tinae ng aso.

Isang araw may dumating isang nagngangalang Lin Qing
Walang kadala-dala ni isang kusing,
Ngunit parang diyos kung siya’y itinuring;
Samantalang ang kaaba-abang si Teba’y nilibing.

II.
Di lubos maisip ni Teban kung ano ang meron siya,
Heto pa isang iskolar, tinalikuran ang bayan para sa kanya.
“O Lin Qing, ano bang bighani ang meron ka,
Eh kung husay ang paguusapan, ika’y walang wala!”

Napuno ang binata at naisipang pumalaot,
Di na nya makayanan ang sinasapit na poot.
Hawak ang dalawang litrato ng mga lugar na sapot
Sinigaw, “Diyos ko! Ang tao ba’y sadyang mararamot?”

Nang may isang dating kaibigang naparaan,
Binati ito nang buong saya’t walang katamlayan;
Di katulad dati noong doon pa siya nanunuluyan.
Ito’y buong pusong ikinalugod ni kaibigan Teban.

Tanong ng kaibigan, “Kumusta ang bagong buhay?”
Sabay sagot ni Teban, “Eto napakatamlay!”
“Para pala bagang iyong iniwang nayon!”, wika ng karamay
Kanyang itinuloy, “Di katulad dati noong dito ka humihimlay…”

“Totoo ba itong aking naririnig?”, sabi ni Teban sa kanyang sarili.
“Mas mabuti pa po noong ikaw ang kumakandili;
Bumalik na po kasi kayo rito”, wika ng kaibigan nawiwili,
Na nagsilbing boses ng mga dati’y walang paki.

Tumingala ang binata sa kalangtian,
Sabay winika, “Bakit ngayon lamang nawala ang karimlan?
Kung kailan ako’y isa nang dayuhan,
Tsaka ako minahal ng aking mga kababayan!”

Lumingon si Teban sa kaibigang mabait,
Ni isang salita’y wala itong isinambit.
Naisip nito ang lahat ng kanyang sinapit,
Ang mga litratong hawak kanyang pinunit.


Isn’t it ironic when people look for something when it’s already gone? When it’s there they just ignore it but when it’s not there they go look for it. Why could that be? Ah… The mysteries of the human behavior are truly puzzling. Make up your mind will you?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

The Stranger

Kram has moved!
Graffiti


Trails

Detours
Ady
Ais
Alexis
Angela
Bea
CA
Chally
Cheenee
Cheska
Chevs
Cid
Dereck
Ella
Ginj
Inna
Jan
Joy
Joyce
Justin
Kenneth
Kram
Krayola
Melissa
Michelle
Migs
MM
Nikko
Patrick
Rana
Reena
Rey
RJ
Smither
Zyon

Sponsor


Google Search


Credits
Brushes
Image Host
Photo